Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Imee, ayaw pang tantanan sa kanilang kasalanan sa Martial Law
Imee, ayaw pang tantanan sa kanilang kasalanan sa Martial Law

Imee, ayaw pang tantanan sa kanilang kasalanan sa Martial Law

HANGGANG sa makapag-file ng kanyang COC sa Comelec on the second to the last day ay hindi pa rin tinantanan ang tatakbong Senador na si Imee Marcos kaugnay ng mga kasalanan ng pamilya Marcos sa taumbayan noong Martial Law.

Sa mga hindi nakaaalam, si Imee ang kauna-unahang nagpatawag ng malakihang presscon para ianunsiyo ang kanyang pagtakbo sa Senado. Entertain­ment media ang naisip ni Imee na harapin at hingan ng tulong.

READ MORE:  NCRPO nakatutok sa unibersidad at kolehiyo sa ‘Red October’ ouster plot

‘Yun nga lang, pagpapa-cute lang ang projection ni Imee. Parang wala kaming matandaang nahingan siya ng komento tungkol sa mga pang-aabuso o atrocities committed sa ilalim ng panunungkulan ng kanyang ama.

Hanggang sa Palacio del Governador ay sinundan pa rin si Imee ng tanong tungkol doon. At gaya nga ng kahilingan lalong-lalo ng taumbayan, humingi naman siya ng sorry.

READ MORE:  Sarah at Matteo, nakapag-‘solo’ sa Japan

Teka, hindi ba’t ang paghingi ng sorry ay pagkilala sa atraso o kasalanang nagawa mo? Kaso, hindi kala­kip ng pag­so-sorry ni Imee ang admission o pag-amin ng mga kasalanan.

Makailang ulit na naming naisulat ang tila tangkang pagbago sa kasaysayan o revisionism. Gustong papaniwalain ni Imee lalo na ang mga millennial na gawa-gawa lang ang mga kuwentong karahasan noong Martial Law.

Bakit natin gugustuhing iluklok sa Senado (again, after Bongbong) ang isang kadugo ng dating lider na nakilala sa maraming taguri?

READ MORE:  Mas gusto ang Martial Law noon

Ang sigaw noong nasa puwesto ang mga Marcos ay nakatutulig na, “Tama na, sobra na, palitan na!” Nakalimot na yata ang iba nating mga mamamayan sa naging kasaysayan ng bansa.

Heto’t isa na namang Marcos ang nagbabakasakali. Wala ba tayong natutuhan?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved