Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Beautician, trike driver tiklo sa buy-bust
Beautician, trike driver tiklo sa buy-bust

Beautician, trike driver tiklo sa buy-bust

HULI ang isang beautician at tricycle driver sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head, C/Insp. Rengie Deimos, dakong 10:30 pm nang isagawa nila ang buy-bust operation laban sa umano’y tulak ng droga na sina Vergel Manansala, 33, tricycle driver, at Manuelito Ledesma, 51, beautician, sa Deparo Road, Brgy. 168.

READ MORE:  PNP hinimok kumalap pa ng ebidensiya

Makaraan iabot ng mga suspek ang isang plastic sachet ng shabu, na P200 ang halaga, sa undercover police na umaktong poseur-buyer, ay agad silang inaresto.

READ MORE:  Bongbong deklarado magbi-VP (May running mate o wala)

Nakuha sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang cal. 9mm pistol na may magazine at kargado ng walong bala, at buy-bust money.

READ MORE:  14-anyos binatilyo nagsaksak sa sarili (Baby ayaw ipakita ng GF)

Habang inaresto rin ang ina ni Manansala na si Maria Elena, 53, dahil sa kasong “obstruction of juctice” nang pigilan ang pag-aresto sa kanyang anak. (ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved