Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Running joke nina Aga at Lea, minasama ng netizens
Running joke nina Aga at Lea, minasama ng netizens

Running joke nina Aga at Lea, minasama ng netizens

SABI na nga ba eh, may magre-react doon sa comment ni Lea Salonga sa pagkanta ni Aga Muhlach ng “pasado sa lakas ng loob at kapal ng mukha.” Ang hindi alam ng mga tao, iyan ay isang running joke na noon pa biruan ng dalawang artista.

Alam naman natin na simula sa pagkabata ay isang magaling na singer si Lea, actually doon siya nakilala. Iyon din ang dahilan kung bakit nakuha siya sa Miss Saigon. Iyon din ang dahilan kung bakit siya napasok sa showbusiness noong araw pa. Iyong pagiging aktres ni Lea ay masasabi nating naging bunga na lang ng kanyang pagiging isang mahusay na singer.

READ MORE:  Atak, tinitira si Vice Ganda

Iba naman talaga ang pasok ni Aga. Si Aga ay unang nakilala bilang isang teen idol. Mabilis niyang nakuha ang atensiyon ng publiko sa kanyang pagsasayaw, kasikatan kasi noon ni Michael Jackson at naipakita ni Aga na kaya rin niya ang ginagawa ng King of Pop.

Dahil sa matinding kasikatan ni Aga, nagkaroon siya ng isang TV show na kailangan niyang kumanta. Aminado naman si Aga, hindi siya magaling na singer pero nakalulusot eh. Kahit na sabihin mong minsan nawawala sa tono, hindi mo mapapansin iyon dahil sa tilian ng kanyang  fans. Sa kanila wala na silang pakialam kung paano siya kumanta, basta kumanta siya okey na sa kanila.

READ MORE:  Posibleng magkagustuhan, sakaling parehong single

Baka nakalimutan ninyo, nagkaroon ng album si Aga noon sa OctoArts. Isa lang ang kanta niya sa buong album. Iyong iba cover versions ng ibang kanta, pero ang album na iyon ay naging isang malaking hit dahil sa kanta ni Aga. Tapos nagkaroon pa sila ng duet ni Lea, na nakasama rin sa soundtrack ng pelikulang ginawa nilang dalawa, sa OctoArts din.

READ MORE:  Ate Guy, madalas napapabayaan sa mga int’l filmfest

So talagang matagal na nilang biruan iyan. Hindi ba kahit naman si Aga nagbibiro rin sa lahat ng tao walang bilib sa pagkanta niya si Lea. Pero hindi panlalait iyon kundi biruan lamang. Kaya nga lang iyong biruan ay nasa social media, kaya napapakialaman ng mga wala namang pakialam dapat.

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved