Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P10 pasahe sa jeepney tuloy na sa Nobyembre

P10 pasahe sa jeepney tuloy na sa Nobyembre

Hataw Frontpage P10 pasahe sa jeepney tuloy na sa Nobyembre

Hataw Frontpage P10 pasahe sa jeepney tuloy na sa Nobyembre

INAPROBAHAN ng Land Transpor­tation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P2 dagdag sa minimum na pasahe sa mga jeep.

Sa desisyong inilabas nitong Miyerkoles, pu­ma­yag ang LTFRB sa hiling ng transport groups na taasan ang minimum na pasahe sa mga jeep.

READ MORE:  Lider ng drug group itinumba sa Quezon (1 pa sugatan)

Mula P8, perma­nen­teng itataas sa P10 ang minimum na pasahe.

Magiging epektibo ang desisyon, 15 araw makaraan ilathala sa mga pahayagan kaya magsi­simula ang pagpapa­tupad sa bagong mini­mum na pasahe sa No­byem­bre.

READ MORE:  Ex-husband sa bank teller slay, idiniin ng lover

Pumirma sa desisyon sina LTFRB chairman Martin Delgra at Board Member Ronaldo Cor­pus.

Lumagda rin si Board Member Aileen Lizada ngunit upang ihayag niya ang kaniyang dissent o pagtutol.

Magugunitang noong Hulyo ay inaprobahan ng LTFRB ang P1 pro­visional increase o pan­saman­talang dagdag sa mini­mum na pasahe. Dahil doon, pansaman­talang naging P9 ang minimum na pasahe sa jeep.

READ MORE:  Sereno tuluyang sinibak

Ngunit dahil sa ba­gong desisyon ng LTFRB, wala nang bisa ang pro­visional increase, kaya imbes P11, P10 ang minimum na pasahe.

HATAW News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved