Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Memorandum ng MIAA para sa ‘background investigation’ binawi!
Memorandum ng MIAA para sa ‘background investigation’ binawi!

Memorandum ng MIAA para sa ‘background investigation’ binawi!

HINDI na ipatutupad ang memorandum na inilabas ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Eddie Monreal, may petsang 4 Oktubre 2018, hinggil sa rekesitos na may layuning isailalim sa background investigation (BI) ang lahat ng personnel, concessionaires at stakeholders sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Hindi natin maintindihan, kung bakit biglang pumasok ang ganitong ideya na mukhang isinubo ng ilang bright boys kay GM Monreal.

READ MORE:  Mag-ingat sa notoryus na basag kotse gang sa Roxas Blvd to MOA

Ang pagbawi ay inihayag sa isang bagong memorandum na inilabas naman ni AGM Arnulfo Junio ng MIAA Security and Emergency Services.

Sa ating palagay, imbes mag-isip ng mga ganitong bagay, mas dapat pagtuunan ng pansin ng MIAA management ang hanggang ngayon ay hindi pa rin naipatutupad na CNA para sa mga empleyado.

Gaano na ba katagal na nabibinbin ‘yang CAN ng MIAA employees?!

READ MORE:  Fairy Touch Club may pokpokan na may poker-an pa bukas na naman?!

Hindi ba nararamdaman ng mga bossing na kailangang-kailangan ‘yan ng mga empleyado nila na walang ibang inaasahan kundi ang sinusuweldo nila sa MIAA?!

Unahin sanang isipin ng mga ‘urot’ kung paano magiging maligaya ang mga empleyado kaysa mag-imbento ng bagong gastos at pahirap na rekesitos.

By the way, totoo ba na ang P2-M monthly intel fund ng GM’s office ay laging ontime na nakukubra pero kapag benepisyo ng mga empleyado ay laging delay?

READ MORE:  MIAA officials huwag sisihin

Anyway, puwede naman sigurong ayusin ang seguridad sa MIAA nang walang ginigipit, ‘di ba GM Ed Monreal?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap


Party-list system kinopo na ng ‘oligarkiya’ (Marginalized sectors no more)
Party-list system kinopo na ng ‘oligarkiya’ (Marginalized sectors no more)
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved