Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / SAP maraming mabo-Bong Go sa Senado (Panalong tiyak)
SAP maraming mabo-Bong Go sa Senado (Panalong tiyak)

SAP maraming mabo-Bong Go sa Senado (Panalong tiyak)

SWAK na naman ang kasabihan — sa hinaba-haba raw ng ‘prusisyon’ sa kumolek ‘este Comelec din tumuloy.

‘Yan ang nangyari kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go. Kahit ilang beses niyang sinabi na hindi siya tatakbo sa Senado, hayan, natuloy rin ang kanyang pagtakbo.

At sa lahat ng naghain ng certificate of candidacy (COC), siya lang ang personal na sinamahan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Mukhang kauna-unahan ‘yan sa kasaysayan.

Marami ang nagsasabi na tiyak na ang panalo ni SAP Bong Go. Lalo na nga’t inendoso siya ni Pangulong Digong.

Ang kailangan na lang niya ay ‘yung swak na plataporma at programa para sa sambayanang Filipino.

Nitong mga nakaraang araw, madalas niyang naba­banggit ang Malasakit Center. Kung hindi tayo nagkakamali, isa itong programa na sinusuportahan ni Pangulong Digong para mapabilis ang daloy ng tulong medikal sa mga kababayan nating kapos para tugunan ang mga panga­ngailangang gaya nito.

Sa Philippine General Hospital (PGH) ay nakapaglaan na ng P100 milyon si SAP Bong Go sa ilalim ng Office of the President. Ganoon din umano sa malalayong probinsiya.

Ang Malasakit Center ay pinopondohan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor), Department of Health (DOH), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

READ MORE:  Tigil muna sa politika presyo ng bilihin naman

Sana’y ‘yan ang tutukan ni SAP Bong Go at huwag na siyang makisabay sa mga estilong trapong-trapo (as in traditional politics).

Sabi nga nila, matibay na matibay ang kandidatura ni SAP kaya tiyak na marami siyang ‘mabo-Bong Go’ sa Senado.

Abang-abangan po natin mga kababayan… sino kaya ang mabo-Bong Go pa sa mga kandi­datong senador!

Para kay Bong Go, Ni HÃO!

MAY MARTIAL
LAW NA BA
SA MIAA/NAIA?

‘YAN po ang ipinatatanong ng mga MIAA employees, at personnel ng concessionaires and stakeholders dahil sa isang memorandum, may petsang 04 Oktubre 2018 na inilabas ng tang­gapan ni General Manager Eddie Monreal.

Ang subject ng memo ay “Background Investigation.”

Kaya lahat ng subject persons ay pinagsu­sumite ng Personnel Security Investigation (PSI) Form, NBI clearance, birth certificate na PSA copy, RTC clearance, Municipal/Met trial court clearance, prosecutor’s office clearance, police clearance, barangay clearance; at drug test result.

Wattafak!?

Ay sus, hiningal ako sa haba ng listahan ng requirements na ipinako-comply ni GM Monreal.

In fairness, gusto siguro ni GM na maging ‘intimate’ ang relasyon niya sa lahat ng tao sa MIAA kaya naman ipinabi-BI niya.

READ MORE:  Drug test sa tricycle at truck drivers

At kapag nakapag-comply na raw sa nasabing mga rekesitos, mag-iisyu ang concessionaires at stakeholders na ang kanilang mga personnel ay sumailalim sa nasabing ‘background inves­tigation’ na pagbabatayan ng iiisyung 2019 MIAA ID.

Lahat ng rekesitos ay ipapasa sa Risk Management Office (RMO), OAGMSES Security Bldg., hanggang 31 Oktubre 2018 para umano sa konsolidasyon at endorsement sa Pass Control Division (PCD).

Wow petmalu ang security control ngayon sa NAIA. Daig pa ang pagpasok sa headquarters ng CIA!

Well, anyway, sa isang banda ay mainam naman ‘yan…malaking pabor ‘yan sa mga concessionaire at stakeholders.

Malaking gastos at abala nga lang sa pagla­lakad ng mga hinihingi nilang require­ments.

Bakit kaya hindi maglaan ng isang opisina na tipong one-stop-shop for clearances and requirements ang MIAA para sa background investigation?

Para matiyak din ni GM Monreal na genuine ang mga ipapasang requirements, ‘di ba?

Hindi ba GM Monreal?!

By the way, may ilang grupo nga pala ang medyo diskontento sa memo, lalo na kung ipapatupad rin ito sa hanay ng mga taga-media na nagko-cover sa airport.

READ MORE:  5.5-M unclaimed voter’s id sa Comelec

‘Risky’ nga naman sa seguridad ng mga taga-media kung magdi-divulge sila ng mga ‘very confidential identities or information.’

Saka, sino-sino ba ang makaaalam ng mga datos na ‘yan?

Sa ganang atin, hindi ito makatutulong sa mga nahaharap sa mabibigat na asunto gaya ng Libel. Alam naman natin na ang Libel ay ginagamit na pang-harass ng ilang powerful people laban sa mga taga-media.

E kahit nga ‘yung MHGM or ‘most hated GM’ na si Bodet Hongago ‘este Honrado na BFF ni Madame Connie ng nakaraang administrasyon ay hindi gumawa nang ganyang sistema ngayon pa na very cooperative ang mga taga-media kay GM Monreal?!

Marami ang nagtataka at nagtatanong kung sino kayang kamote ang nakapang-urot niyan kay GM.

Aba dinaig pa ang Malacañang , DND at Camp Crame… May martial law ba?! O mayroon lang praning?

Siyanga pala, bakit hindi pa lubusin, dagdagan pa kaya ng health certificate at neuro test?!

Anong sey ninyo, GM Monreal?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved