Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rosanna, wala ng keber kung ‘di na seksi
Rosanna, wala ng keber kung ‘di na seksi

Rosanna, wala ng keber kung ‘di na seksi

PARANG lalong lumobo ang katawan pero maganda pa rin si Rosanna Roces.

Aminado ang dating reyna ng hubaran na keber niya kung nawala man ang dati niyang pigura. Ipinauubaya na lang niya ang pagpapaseksi sa mga batang artista, total naman ay ”been there-been that” na siya roon.

Halata ring isang “new and improved” Rosanna Roces na siya ngayon, salamat sa kanyang lesbian partner na siyang dahilan ng kanyang pagiging positibo sa buhay ngayon.

READ MORE:  Kris at Kuya Boy, wagi sa Asia Rainbow TV Award

“Alisin na ‘yung mga negative,” sey ni Osang na kabaligtaran kung sino siya noong kasagsagan ng kanyang kasikatan.

Dalawang tao sa showbiz na minsang naging malapit sa puso niya ang nakasunugan niya ng tulay: ang dating manager na si Lolit Solis at kolumnistang si Cristy Fermin.

Ewan kung sa tagal na rin ng panahon ay bukas ang isip ni Osang sa posibleng pagkakasundo sa mga ito. Or ang tanong: willing bang makipagbati sina Lolit at Cristy sa kanya?

READ MORE:  TV host actress, nasilo rin ng sikat na male celebrity

After all, may kasabihan ngang, ”there are no permanent friends or enemies, only interests.”

Sa tantiya namin ay mukhang open naman si Osang sa posibleng pagkakaayos nila. ‘Yun nga lang, siya ang dapat sigurong mag-initiate.

READ MORE:  Kathryn, nagpaayos daw ng cheeckbones (Pagbubuking ni Jane sa kaibigan)

Isama na rin natin ang nakairingan din ni Osang noon na si Sabrina M na nagbabalik-showbiz din tulad niya. After all din, kapwa lang din naman sila nasadlak sa isang madilim na bahagi ng kanilang buhay.

#Alamna.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III


Twin victory sa 2 prestihiyosong international beauty pageant, posible
Twin victory sa 2 prestihiyosong international beauty pageant, posible
Bernard Cloma, may impostor?
Bernard Cloma, may impostor?
COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved