Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Gumagawa’ ng pekeng ATM, credit cards arestado sa BGC
‘Gumagawa’ ng pekeng ATM, credit cards arestado sa BGC

‘Gumagawa’ ng pekeng ATM, credit cards arestado sa BGC

ARESTADO sa mga ahen­­te ng National Bu­reau of Investigation (NBI) ang isang lalaking sinabing sangkot sa ilegal na produksiyon at pag­gamit ng pekeng ATM at credit cards.

Inihayag ng NBI nitong Martes, na nadakip ng mga operatiba ng Cyber Crime Division ang suspek na kinilalang si Gerard Joseph Liwag habang naglalakad pa­tungo sa main gate ng “plush condominium tower” sa Bonifacio Glo­bal City, Taguig, noong 9 Oktubre.

Ang pag-aresto na iniutos ng Pasig Court, ay nag-ugat sa reklamo ng isang kinatawan mula sa hindi tinukoy na “big commercial bank” sa NBI, na inakusahan si Liwag ng ilegal na pagprodyus at paggamit ng pekeng ATM at credit cards.

READ MORE:  Pork senators litisin nang mabilis

Si Liwag umano ay bahagi ng “organized syndicate” na ang pun­tirya ay malls at casinos sa Metro Manila at Metro Cebu.

Sinabi ng NBI, ang modus operandi ng grupo ay kabilang ang pagkuha ng credit card information sa pamamagitan ng call centers at iba pang bu­siness establishment skim­mers, at pagkaraan ay kokontakin ni Liwag ang skimmers para ita­nong ang expiry date at available credit limits at ipaa-activate ang “installment option” para sa high value purchases na aaprobahan gamit ang credit card details.

READ MORE:  ‘Napoles list’ ‘di pa tiyak sa senate probe

“Using sophisticated gadgets, Subject Liwag is able to use the cards and go on a shopping spree,” ayon sa NBI.

Sa paghalughog sa condominium unit ng suspek ay nakuha ang card printer, embossing machine, high-definition printer, removable storage device, skimming device, laptops, point-of-sale card terminal, USB hub, blank cards at 80 piraso ng iba’t ibang cards, ayon sa bureau.

READ MORE:  Duterte admin golden year ng infra projects (P7-T ilalaan)

May nadiskobreng identification cards, kabi­lang ang passport, na umano’y pawang mga peke. Isinailalim si Liwag sa inquest proceedings sa Department of Justice noong 10 Oktubre at si­nam­pahan ng kasong paglabag sa Access Device Regulation Act of 1998 in relation to the Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa kasunod na araw, pitong commercial banks ang nagsertipika na si Liwag ay hindi awto­risadong magprodyus, magproseso at magpa­nupaktura ng debit cards at iba pang cards, ayon sa bureau.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved