Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Cotabato City mayor idinawit sa malawakang diskuwalipikasyon ng pro-BOL voters (MILF leader Iqbal, Bangsamoro champion Bai Sandra Sema pinatatalsik)
Cotabato City mayor idinawit sa malawakang diskuwalipikasyon ng pro-BOL voters (MILF leader Iqbal, Bangsamoro champion Bai Sandra Sema pinatatalsik)

Cotabato City mayor idinawit sa malawakang diskuwalipikasyon ng pro-BOL voters (MILF leader Iqbal, Bangsamoro champion Bai Sandra Sema pinatatalsik)

ITINUTURO si Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi na siya umanong may pakana sa malawakang diskuwalipikasyon nang mahigit 4,000 botanteng sumusuporta sa Bangsamoro Organic Law (BOL) upang walisin ang kanyang mga kalaban sa politika.

Sa isang mapangahas na hakbang, nagsampa ng petisyon ang mga kapitan ng barangay ng Cotabato City sa local na tanggapanng Commission on Elections (COMELEC) na humihiling alisin sa voters’ list ang libo-libong rehistradong botante, dahil hindi umano nakatira sa lungsod.

Ang petisyon ng barangay officials, na umano’y pinakilos ni Sayadi, ay humihingi sa diskuwalipikason maging ng mga kilalang lider sa Mindanao, kabilang na sina dating chairman ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) at ngayon ay chair ng MILF Implementing Panel Mohagher Iqbal, gayondin si Maguindanao at Cotabato City congresswoman at BOL champion Bai Sandra Sema.

READ MORE:  Peace talk sa reds positibo sa EU

Kahit umano matagal nang residente ng Cotabato City ang dalawang prominenteng lider, na nagkataong kapwa rin masigasig na nagsusulong ng BOL.

Ang pagkilos ng mga opisyal ng barangay ay pinaniniwalaang may kumpas ni Sayadi, na matagal nang humahadlang at tumutuligsa sa BOL at sa pagsama sa Cotabato City bilang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

READ MORE:  P5-M shabu nasabat sa Iloilo — PDEA (Transaksiyon binuo sa Bilibid)

Noong Hulyo, sinabi ni Mayor Sayadi sa isang panayam na makatatayong mag-isa ang Cotabato City kahit hindi mapabilang sa Bangsamoro.

Sinabi nito na mahigit 300,000 mamamayan ng lungsod ang umano’y tutol sa Bangsamoro kung gagawin ang plebisito ng mga oras na iyon.

Ito ay sa kabila ng malawakang suportang ipinakikita ng iba’t ibang grupo at ng mga mamamayan sa ratipikasyon ng BOL, may mga grupo pang nagsu­sulong ng “Zero No” vote sa ple­bisitong nakatakda sa 21 Enero.

READ MORE:  Poster ng anak ni Laarni nagkalat sa Sampaloc

Kinuwetisyon ng petisyon ang pagdagsa ng libo-libong bagong registrants sa Cotabato City ngu­nit lumitaw sa imbestigasyon na ito ay dahil sa nakatakdang plebisito para sa BOL sa Enero.

Nagpahayag ang mga residente ng Cotabato City na ito ang panahon upang sila ay magpa­rehistro at makaboto.

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved