Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Duterte sinamahan si Bong Go sa Comelec
Duterte sinamahan si Bong Go sa Comelec

Duterte sinamahan si Bong Go sa Comelec

SINAMAHAN ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte si Special Assistant to the President Christopher “ Bong” Go nang maghain ng certificate of candidacy bilang isa sa senatorial bets ng PDP-Laban, sa tanggapan ng Com­mis­sion on Elections sa Intra­muros, Maynila kaha­pon.

Bago magtungo sa Comelec ay nagpunta muna si Go sa San Miguel Church sa Malacañang Complex upang magda­sal at napaluha dahil u­nang pagkakataon daw na sasabak siya sa politika at siya na mismo ang kakandidato.

READ MORE:  Drug lords lalabas sa hoyo (Kaso kahit nasa automatic review)

Sinabi ni Go, nasak­sihan niya sa kanyang pag-iikot sa mga lala­wigan na napaka­raming mga pasyente ang naka­pila at nakapuwesto lamang sa mga koridor ng ospital kaya nais niyang mapadali at hindi na pahirapan pa ang mga pasyente sa pag-avail ng medical services kaya niya itinatag ang Mala­sakit Centers sa ilang pagamutan.

READ MORE:  Gabinete ni Presidente Duterte ready laban kay Ompong

Inilinaw ni Go na kahit tatakbo na siyang sena­dor, hindi pa rin niya iiwan at pababayaan si Pa­ngulong  Duterte lalo sa mga sensitibo at priba­dong usapin partikular sa pamilya ng Pangulo.

READ MORE:  Duterte matagal nang target ng US (Iniligwak ng WikiLeaks)

May 20 taon nang naninilbihan bilang ka­nang kamay ni Duterte si Go.

Aminado si Go na hindi magiging madali ang kampanya lalo mapapalaban siya sa mga beteranong senador at politiko pero bahala na aniya ang taong bayan na humusga kung sino ang karapat-dapat na ihahalal na 12 senador.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved