Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andrea del Rosario, maayos na ipinagsasabay ang showbiz at public service
Andrea del Rosario, maayos na ipinagsasabay ang showbiz at public service

Andrea del Rosario, maayos na ipinagsasabay ang showbiz at public service

HUMAHATAW ngayon sa kaliwa’t kanang pelikula ang aktres/public servant na si Andrea del Rosario. Kabilang sa pelikulang kasali si Ms. Andrea ay sa Para sa Broken Hearted starring Yassi Pressman, Aurora na pinagbibidahan ni Anne Curtis, Elise, na tinatampukan ni Janine Gutier­rez, Ulan of Nadine Lustre, at ang Cris­tine Reyes starrer na Maria.

Kahit busy sa kanyang showbiz career at sa pagiging isang ina, hindi pina­babayaan ni Vice Mayor Andrea ang kanyang constituents sa Calatagan, Bata­ngas.

Si Batangas Rep. Vilma Santos ba ang peg niya pagdating sa kanyang political career? Tugon niya, “There’s no peg, but I look up to her. I wish masundan ko ‘yung yapak niya na, you know, she can jump from politics to showbiz. I don’t know how she does it but it seems to be working in her favor.

READ MORE:  Coco Martin, enjoy katrabaho si Direk Wenn Deramas

“Pero I respect now kung ano ‘yung ginagawa niya, because ang hirap pala talaga. Mahirap, it’s hard to please everybody too,” nakangiting saad niya.

Nabanggit din ni Vice Mayor Andrea na si Ate Vi ang isa sa iniidolo niya, hindi lang sa showbiz kundi maging sa lara­ngan ng politika. ”Si Ate Vi, she’s like the model of all celebrities turned public servant, ‘di ba? Talagang she gave her heart and soul to it, she stopped her career, para sa public service.

READ MORE:  MTRCB masyadong OA sa naging reaksyon sa pinakawalang dialogue ni Pilar Pilapil sa “Pangako Sa‘yo” (Feeling nasa Era 60s pa sila!)

“Si Ate Vi, nakabibilib na pumasok siya sa politika pero ‘yung career niya hindi nagbago, isa pa rin siya sa top actress natin. I mean, at the end of the day, you know, ‘yung na-achieve niya during her time, I don’t think anybody can ever match that, ‘di ba? Talagang she’s really made her name for herself.

“Successful siya as an actress and as a public servant. Siya ‘yung epitome of a suc­cessful empowered woman. Talagang consistent siya, ‘di ba? So yeah, matatawag kong idol siya in terms of ganoon. I worked with her sa Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? And at least, na-experience kong makatra­baho siya. Magaling talaga si Ate Vi,” wika ni Vice Mayor Andrea.

READ MORE:  Therese Malvar, si Gladys Reyes ang peg na kontrabida sa Inagaw Na Bituin

Hinggil sa kanyang busi­ness­man/polo player na boyfriend, malapit na ba silang magpakasal? “Ah… ano… hindi ko alam ang sasabihin ko e, hahaha! Hindi, pero siyempre kumbaga ay nagpaparinig, nagpaparamdam. So, hintayin natin siya in his own time. Pero huwag masyadong mag-wait ha, kasi tumatanda na rin ako, hahahaha!”

Pabirong sambit pa ng aktres.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved