Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Kamuning Bakery Café, mamimigay ng 70,000 Pandesal
Kamuning Bakery Café, mamimigay ng 70,000 Pandesal

Kamuning Bakery Café, mamimigay ng 70,000 Pandesal

MAMIMIGAY ng 70,000 pandesal ang 79-year-old Kamuning Bakery Café na pag-aari ni Wilson Lee Flores, kasunod ng pgdiriwang ng taunang World Pandesal Day sa October 16, Martes, simula 11 a.m..

Bagamat nasunog ang nasabing establisimyento kamakailan na matatagpuan sa Judge Jimenez Street corner K-1st Street, Barangay Kamuning, Quezon City sinabi ni Flores na tuloy pa rin ang taon-taon nilang gawain. Ito’y pangungunahan ni Quezon City Vice-Mayor Joy Belmonte.

At sa October 28, Linggo, 8 a.m., iniimbitahin din ang publiko para sa isang libreng medical, dental, at optical mission sa Kamuning Bakery Café sa pakikipagtulungan ng Chinese General Hospital na pinamumunuan ng CEO nitong si Dr. James G. Dy.

READ MORE:  Unang Aray (Memorabol kay Inday) (Part 27)

Isa itong unique socio-civic at cultural endeavor na may hashtag #WorldPandesalDay. Layunin nitong bigyang kahalagahan ang sikat na kasama sa agahan, ang pandesal, at para matugunan ang problemang kakulangan sa pagkain.

Ayon nga kay Lee Flores, ang naging inspiration niya para gawin ang World Pandesal Day ay ang Bible story ng isang mahirap na bata na nagbigay ng 5 loaves ng bread at 2 isda, na pinarami ng Panginoon kaya naman libo-libong tao ang nakakain.

Bumati naman si President Rodrigo R. Duterte at sinabing: “My warmest greetings to the Kamuning Bakery Café as it celebrates World Pandesal Day. Food plays an integral part in our people’s identity as it reflects our culture and history which have been shaped by various influences of the past. This milestone does not only celebrate the ingenuity of our bakers and their unyielding passion for bread, but also empowers local community bakeries as they preserve and pass down traditional cooking methods.

Together, let us work towards achieving our goal of a brighter, more prosperous and sustainably progressive nation. I wish you a fruitful and meaningful celebration.”

Nagpahatid din ng pagbati si Speaker Gloria Macapagal Arroyo: “Warmest congratulations to Wilson Lee Flores, staunch advocate of cultural preservation and owner of Kamuning Bakery Café. In the 79 years of its operation, Kamuning Bakery had established a name for itself as baker of one of the most delicious, traditionally-baked pandesal in the country. Wilson Flores’ acquisition of the bakery added to the popularity of this Filipino bread through his promotion of the vanishing traditional baking methods, his World Pandesal Day initiative and his Pandesal Forum which has gathered media people, artists, thinkers and government leaders as well as ordinary folks in his bakery to talk about national and international issues or simply to shoot the breeze while enjoying freshly-baked pandesal.”

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved