Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / ElNella, tiyak na magkakaayos sa pagsasama sa One Magical Tour 2018
ElNella, tiyak na magkakaayos sa pagsasama sa One Magical Tour 2018

ElNella, tiyak na magkakaayos sa pagsasama sa One Magical Tour 2018

KAHIT pala hindi pa nagkakabati sina Janella Salvador at Elmo Magalona ay hindi pa rin mabubuwag ang loveteam nila kahit may humaharang na ng projects nila.

May nagsabi sa amin na posibleng magkabati na ang  ElNella dahil magsasama sila sa One Magical Tour 2018  shows nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bilang guests na gaganapin sa Vancouver (Nobyembre 2) at Toronto (Nobyembre 10) sa Canada.

READ MORE:  Janella, pinalangoy sa 14 ft. deep para sa My Fairy Tail Love Story

Tinanong namin ang aming source kung paano matutuloy ang project kung hindi pa sila okay at kaya nga umuwi na si Janella sa nanay niyang si Jenine Desiderio ay dahil tinapos na nito ang ugnayan nila ni Elmo.

Pambubuking ng aming source, “sure ka ba na tapos na?  Baka umuwi lang pero hindi pa tapos. Sobrang in love ni Janella, so paano matatapos?”

Binanggit namin na kung hindi magkakaayos ang ElNella ay puwede naman si Jameson Blake na nakitaan sila ng chemistry sa pelikulang So Connected na ipinalabas noong Mayo ngayong taon mula sa Regal Films na idinirehe ni Jason Paul Laxa­mana.

READ MORE:  Ai Ai, naiyak sa launching ng Direk 2 Da Poynt

Well, hindi mo matuturuan ang puso,” sagot sa amin ng aming source.

Kung mahal ni Elmo si Janella, paano niya nagawang saktan ng pisikal ang dalaga?  Ikinatwiran nitong umano’y lasing siya?

READ MORE:  Janella at Elmo, magpapakilig sa viewers ng My Fairy Tail Love Story

Clingy nga ba si Janella kay Elmo?  Kaya nasasakal ang binata?

Kung tuloy pa ang ElNella, eh, sana magkaayos na kayo dahil baka tuluyan na kayong maungusan ng mga bagong loveteam ngayon.  O baka mas magandang magsolo-solo na lang muna kayo.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved