Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andrea, ayaw mangunsumi, naka-move-on na kay Marian
Andrea, ayaw mangunsumi, naka-move-on na kay Marian

Andrea, ayaw mangunsumi, naka-move-on na kay Marian

PROOF na hindi matanimin ng sama ng loob o galit si Andrea Torres ay ang pag-pinchhit niya kamakailan para maitawid ang Tsika Minute segment ng 24 Oras.

Aksidente o hindi mang matatawag ‘yon, nagkataon na ang intro spiel ng sexy actress ay may kinalaman sa ikalawang pagbubuntis ni Mrs. Dantes.

Eh, ano naman? Sariwa pa kasi sa alaala ng marami ang isyu noon sa kanila ni Andrea na leading lady ng mister nito sa matagal nang tapos na Alyas Robinhood sa GMA.

READ MORE:  Sarah, pinagselosan si Isabelle

Hindi nga ba’t naiulat na kinompronta ni Mrs. Dantes si Andrea sa isang resto sa Quezon City on the pretext na mayroon silang mahalagang meeting ng kanilang common business manager?

READ MORE:  Star Cinema, may offer din (bukod pa sa Quantum at Ten17)

At labis ngang ikinagulat ni Andrea ang pakikiharap sa kanya ng kapwa Kapuso actress sa hinihinalang set-up o patibong sa kanya?

Nakalipas na nga ‘yon. Humupa na rin ang tsismis na nag-uugnay kay Andrea sa mister ni Mrs. Dantes.

For Andrea marahil, water under the bridge na rin ‘yon. Naka-move on na siya. Sa trabaho na lang siya naka-focus kaysa mangun­sumi sa walang kawawaang bagay na hindi naman makatu­tulong sa kanyang career.

READ MORE:  Alice, nalungkot sa photoshop wedding picture ng DongYan

Bilib din kami kay Andrea. Maayos kundi man walang kabakel-buckle niyang nai-intro ang balita tungkol sa dating nakaaway. At all-smiles pa.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved