Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Adrian, na-pressure nang malamang premium actor ang mga binibigyang proyekto ng Dreamscape Entertainment Inc.
Adrian, na-pressure nang malamang premium actor ang mga binibigyang proyekto ng Dreamscape Entertainment Inc.

Adrian, na-pressure nang malamang premium actor ang mga binibigyang proyekto ng Dreamscape Entertainment Inc.

PINALITAN na pala ni Luis Alandy ang pangalan niya at ginamit ang tunay na pangalan, Adrian Alandy dahil pangalan pala ng kanyang lolo ang Luis at tatlo sa kanyang relative ang gumagamit ng pangalan na ito.

“Gusto ko namang maging proud ang parents ko sa real name na ibinigay nila sa akin,” sambit ni Adrian sa presscon ng bagong handog na drama serye ng Dreamscape Entertainment na napapanood na tuwing hapon sa ABS-CBN, ang Kadenang Ginto.

Sambit pa ng actor, matagal na niyang gustong gamitin ang Adrian bilang bagong pag-uumpisa at pagdiriwang ng kanyang ika-20 taon sa showbiz. “At nang ginamit ko na nga ang Adrian, nagsunod-sunod naman ang magandang opportunities,” natutuwang pagbabalita ng actor.

READ MORE:  Beteranang aktres, nantuso raw ng balikbayang kaibigan

At isa sa malaking break na dumating sa kanya ay ang Kadenang Ginto na kasama sina Albert Martinez, Beauty Gonzales, at Dimples Romana bukod pa sa Sa Dulo ng Walang Hanggan na pinagbidahan ni Claudine Barretto.

Sa kabilang banda, walang kontrata si Adrian sa anumang network kaya puwede siyang magpalipat-lipat. At sa paglipat ni Adrian pagkatapos ng kanyang serye sa GMA, aminadong kinakabahan ang actor.

“Kinakabahan ako sobra kasi for the longest time, oo sa movies nakakapag-lead ako, pero ‘yung series, alam naman natin kung gaano kalaki ang ABS-CBN in terms.”

Aminado rin si Adrian na may pressure ang mapasama at magbida sa Kadenang Ginto. At lalo siyang na-pressure nang sabihin ng isang kasamahan, si Isah Red ng Manila Standard na para magbida sa Dreamscape project ay maituturing nang isang premium actor.

READ MORE:  Andrea at Francine, mga bagong mukhang aabangan sa Kapamilya Gold

“Nadagdagan ang pressure, ha ha ha,” pag-amin nito na iiling-iling. “Kinukuwento ko nga kanina, supposedly dapat kasama ako sa Araw Gabi last year hindi natuloy, namove ng na-move, nagkaroon ng problema sa story.

“Noong nag-roll na sila noong March hindi na ako available kasi nga I’m doing na the Onanay sa GMA. So, biglang in-offer sa amin na may offer nga ako for this, tinanggap naman namin agad at hindi ko naman alam na lead. Ang sabi lang nila may offer. So, surprise at medyo added pressure sa sarili dahil you need to do good, you need to perform really well lalo na sa Dreamscape.”

READ MORE:  Albert, ‘di kayang palitan si Liezel; Alyzza at Alyanna, madalas ka-date

Nakatrabaho na ni Adrian si Dimples sa Greatest Love, si Albert naman ay matagal na niyang kakilala dahil second cousin niya ang asawa nitong si Liezl Sumilang, at si Beauty ay ngayon lamang. Si Francine Diaz naman ay nakasama na niya sa Ipaglaban Mo at si Andrea Brillantes ay ngayon pa lamang din niya nakakatrabaho.

Napapa­nood na sa kasalukuyang ang Kadenang Ginto tuwing hapon sa Kapamilya Gold.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Aga, naiyak habang nagda-dub ng First Love
Aga, naiyak habang nagda-dub ng First Love
COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved