Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharon, nabiktima rin ng taong pinagkatiwalaan
Sharon, nabiktima rin ng taong pinagkatiwalaan

Sharon, nabiktima rin ng taong pinagkatiwalaan

TOTOO nga ang kasabihang “Misery loves company.” At pinatotohanan ito ni Sharon Cuneta na labis ding nalulungkot para kay Kris Aquino na ninakawan, dahilan para bumagsak ang katawan nito sa pagkakasakit at sobrang stressed.

Ani Sharon sa kanyang social media post, maging siya’y nabiktima rin ng taong pinagkatiwalaan niya noon. Kaya ang panalangin nga niya sa kung sinuman ang nangwalanghiya kay Kris, sana’y parusahan ito ng nasa Itaas.

READ MORE:  “10,000 Hours” humakot ng parangal sa 39th MMFF

Tanong lang.

Ang alam namin, base na rin sa social media post ni Sharon (this was in 2017 sa aming pagkakatanda) ay naibahagi niya ang tungkol sa private nurse ng noo’y maysakit niyang ina na si Mommy Elaine.

READ MORE:  Fans umapela, pakikipaghalikan ni Alden isala

Pera at alahas umano ang tinangay nito based on Sharon’s version of the story. Unlike ang mga karaniwang nabibiktima ng qualified theft, mukhang hindi na ito nai-report ni Sharon sa mga kinauukulan.

Bagama’t malabo na rin sigurong mabawi ang mga bagay na nakulimbat o ninakaw ng salarin, ang mahalaga roo’y napag-iingat ang mga posibleng makasalamuha nito in the future tulad ng posibleng maging employer nila.

READ MORE:  Shaina at JC, sinikil ang nararamdaman sa isa’t isa

Maging si Jinkee Pacquiao rin ay hindi nakaligtas. Isang trusted na kasamabahay ang nambiktima sa kanya.

Lesson: Don’t be too trusting.

(RONNIE CARRASCO III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved