Monday , October 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Train Law suspension giit ng solon (Presyo ng mga bilihin para bumaba)
Train Law suspension giit ng solon (Presyo ng mga bilihin para bumaba)

Train Law suspension giit ng solon (Presyo ng mga bilihin para bumaba)

NANAWAGAN kaha­pon ang stalwart ng oposisyon na si Albay Rep. Edcel Lagman na ipasa agad ang joint resolution na pipigil sa TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) Law na aniya’y sanhi ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ani Lagman, dapat nang pagtuunan ng pansin ng liderato ng Kamara ang pag-apruba sa Joint Reso­lution No. 27 para ma­pigilan na ang pagtaas ng buwis sa produktong petrolyo.

READ MORE:  OSY kritikal sa samurai ng kaaway

Pahayag ni Lagman ang inflation ay aabot sa 6.8 porsiyento sa huling bahagi ng taon.

Ang Joint Resolution ay isinumite noong 10 Setyembre 2018 nina Lagman kasama ang iba pang miyembro ng  Mag­nificent 7, Makabayan Group at People’s Minority.

Binatikos ni Lagman ang polisiya ng gobyer­nong Duterte sa paglala­gay ng mataas na buwis sa mga produktong pe­trolyo.

READ MORE:  Jeep tumagilid 3 patay, 21 sugatan (Sa La Union)

“It is patently a flawed policy for the Philippines, an oil-importing country, to impose additional and higher excise taxes on petroleum products, while oil producing countries are even giving subsidies to maintain at low levels the pump prices of gasoline to protect consumers,” ani Lagman.

READ MORE:  Serohano dedbol kay utol (Dahil sa magarang tsekot)

Lalong nagkagulo ang kalagayan ng Filipi­nas dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado na lumagpas sa US$80 kada bariles.

Pinakamataas mula noong Nobyembre 2014.

Ang pagpapatotoo ng economic managers na magiging manageable ang inflation ay hindi magpapababa ng presyo ng mga serbisyo at bilihin.

ni Gerry Baldo

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved