Saturday , December 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Mocha hindi sumuko nang mag-bye-bye sa PCOO, digmaan ‘este laban dadalhin sa Kongreso
Mocha hindi sumuko nang mag-bye-bye sa PCOO, digmaan ‘este laban dadalhin sa Kongreso

Mocha hindi sumuko nang mag-bye-bye sa PCOO, digmaan ‘este laban dadalhin sa Kongreso

NAKAHANAP nag-graceful exit si Assistant Secretary Esther Margaux J. Uson, a.k.a. Mocha sa pamamagitan ng pagbibitiw sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ang petsa ng resignation ni Mocha, na ini-address kay Pangulong Rodrigo Duterte at naka-Cc kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ay 1 Oktubre 2018.

Kapansin-pansin na hindi sa kanyang immediate boss na si PCOO Secretary Martin Andanar naghain ng resignasyon si Mocha kundi kay Tatay Digong at kay SAP Bong.

Isa umano sa rason ng kanyang pagbibitiw, ang nanganganib na P1.47-bilyong ‘budget’ ng PCOO dahil hindi siya dumalo sa nakaraang budget hearing dahil siya ay pinadala sa United Nations General Assembly kasama ang Department of Foreign Affairs (DFA).

READ MORE:  Lizada ng LTFRB inilipat sa CSC

Aniya, ilang kongresista ang hindi natutuwa sa kanyang pagliban sa ginanap na hearing sa Kamara. Katunayan ini-post pa niya sa social media ang kanyang speech sa ginanap na budget hearing.

Tahasang tinukoy ni Mocha ang mga ‘makakaliwang’ kongresista na siya umanong mainit ang ‘dugo’ sa kanya mula nang mainterbyu niya ang mga Lumad at mga Datu kaya naisiwalat na ginagamit umano sila ng CPP-NPA para pabagsakin si pangulong Duterte.

Ganoon ba ‘yun?!

E parang ang nabalitaan natin na unang nagdiwang nang siya ay mag-resign ay mismong mga taga-PCOO?

Parang ang lakas ng kanilang yeheey dahil sa wakas ay magkakaroon na sila ng kapayapaan at katahimikan?!

READ MORE:  Fixer-piyansadora sa opisina ng Pasay fiscal

Hehehe…

Anyway, ang opinyon lang natin, mukhang nalimutan kasi ni Ate Mocha na bilang government official/employee, mayroon siyang accountability sa mamamayan.

Mukhang sa kanyang pagsasalita ay parang napakababa ng kanyang loob pero sa gawa ay hindi ito nakikita.

Kadalasan ay nalilimutan ni Mocha na natatapakan niya ang mga mamamayan maga­wa lamang ang mga gusto niya.

Sa totoo lang kahit sa kanyang pagbibitiw ay walang remorse si Mocha at hindi man lang humingi ng paumanhin sa kanyang mga nasaktan at nasagasaan, sa halip, ipinagmamalaki pa niyang  dadalhin niya ang laban sa Kongreso — sa Kamara at sa Senado ba ‘yan?!

READ MORE:  Kapag may trouble sa mga mall; Business premises first before human safety, motto ng mga sekyu ‘yan?!

Digmaan, bakbakan at resbakan na ba ‘yan!?

Anyway, ano man ang tatahaking landas ni Mocha, gamit ang kanyang limang milyong followers, nawa’y maging masaya at matagum­pay siya…

Kung sabagay, nami-miss na rin siya nang marami sa kanyang dating ginagawa — ang mag-perform sa mga panggabing entertainment center lalo na sa Cowboy Grill, Padi’s point at Resorts World.

Baka panahon na para muli siyang masilayan ng kanyang mga fans habang nagpe-perform sa entablado.

Good luck Margaux!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved