Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 14-anyos dalagita tumalon sa floodway
14-anyos dalagita tumalon sa floodway

14-anyos dalagita tumalon sa floodway

TUMALON ang isang 14-anyos dalagita sa floodway sa Taytay, Rizal makaraang buyuhin ng mga kaibigan habang nag-iinoman dakong 8:00 pm noong Martes.

Sinisid ng special operations unit ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Manggahan Floodway sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal dakong 1:00 am nitong Miyerkoles para sagipin ang biktimang kinilalang si Stella Gliane.

READ MORE:  P100-M danyos ni Vinta sa Cagayan (3 patay, 2 missing)

Kuwento ng kapatid ng biktima na si alyas Didith, kainoman ng dalagita ang kaniyang mga kaibigan nang mangyari ang insidente.

“Nagbibiruan ‘ata na tumalon… Ang ano niya sa barkada, baka binu-bully [siya]. Siya raw ang sinisisi po sa mga away-away… Ilang araw niyang dinaramdam,” hinaing ni Didith.

READ MORE:  Mayor inambus sa munisipyo (Sa Cebu)

Masayahing bata uma­no ang biktima ngu­nit napansin nilang ma­tamlay nitong nakaraang araw.

May mga palitan din ng mensahe sa Facebook ang magbabarkada nang hindi nila pagkakasun­duan.

Samantala, 2:30 am kahapon, nagpasya ang PCG na pansamantalang itigil ang search and rescue operations.

READ MORE:  P15-M shabu nasabat sa Maynila

“Medyo malakas ang current kaya posibleng inanod siya. ‘Di natin ito titigilan. Sa situwasyong ito, hindi lalayo ang katawan,” ayon kay PO1 Edwin Marquez, team leader ng naturang operasyon.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved