Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yasmien, nahirapang magbawas ng timbang
Yasmien, nahirapang magbawas ng timbang

Yasmien, nahirapang magbawas ng timbang

NOONG nakaharap/nakausap namin kamakailan si Yasmien Kurdi sa online show namin nina Rodel Fernando at Mildred Bacud na  Showbiz Pamore kamakailan, napansin namin na pumayat ang aktres, na ayon sa kanya, talagang nagpapayat siya para sa role niya sa GMA 7, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka, na tungkol sa HIV awareness.

READ MORE:  Lassy, kinabog ang lovelife ni Vice Ganda

Sabi ni Yasmien, “Kasi ang nangyari sa ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka,’ parang..kung si Thea (pangalan ng role niya sa serye),magkakasakit, kunwari ang script..eh wala naman tayong  parang.. ‘di ba sa Philippine teleserye, hindi naman siya ‘yung parang gagawin natin mga ahead siya ng a year, tapos naka-canned na siya, na pwede kang mag-prepare, na bigyan ninyo ako ng three months para mag-diet and all. 

“So kilangan kong mag-trim down, para kunwari the next week, may sakit si Thea, kailangang lubog ang mata mo rito, kailangang lubog ‘yung pisngi mo rito, ganoon.

READ MORE:  Armie Zuñiga, ang soloista ng Nonoy Lopez and His Orchestra, pinalakpakan ng mga madre

“So ang hirap, kasi magti-taping pa ako, tapos kailangan kong mag-diet. Nakakanginig kasi, like nagpupuyat ka, tapos kailangan mo ngang mag-diet.Minsan sasabihin nila, okey naka-recover na si Thea,wala na siyang sakit. So kailangan ko na namang.. pero ang pinakamadali ‘yung mag-recover,ang pinakamahirap ‘yung mag-loose (ng weight), siyempre, ganoon,” mahabang paliwanag ni Yasmien.

READ MORE:  Yasmien, kinarir ang pagiging AIDS victim

MA at PA
ni Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved