Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Asintado, pinagbibidahang serye ni Julia Montes mas kapanapanabik sa huling dalawang linggo (Pumalo sa 18.5% rating)
Asintado, pinagbibidahang serye ni Julia Montes mas kapanapanabik sa huling dalawang linggo (Pumalo sa 18.5% rating)

Asintado, pinagbibidahang serye ni Julia Montes mas kapanapanabik sa huling dalawang linggo (Pumalo sa 18.5% rating)

SINCE nag-start umere noong January 2018 ay na-maintain talaga ng TV drama series na “Asintado” ang maganda nilang ratings.

Dahil mas lalong duma­rami ang viewers ng soap, na pare-parehong nag-aabang kung ano ang mang­yayari sa ending ay mas tumaas pa ang ratings ng Asintado.

Sa buwan ng Septem­ber, base sa datos ng Kantar Media National TV Ratings ay pumalo sa 18.5% ang Metro rating ng show ni Julia; 17.6% sa National; at sa Rural ay nagkamit naman ng 17.9%.

READ MORE:  History, kaiga-igaya dahil kay Lourd

Well, hanggang sa huli ay pinanindigan ni Miranda (Lorna Tolentino) kung ano ang tama at naging kakampi siya ng mag-iinang Hilary (Agot Isidro), Ana (Julia) at Samantha (Shaina Magdayao) para pabagsakin ang nakakulong na si Governor Salvador (Nonie Buencamino).

READ MORE:  Gusto kong maging big star! — John Lapus

Pero mukhang ayaw talagang tantanan ni Salvador si Ana at patuloy siya sa kanyang pagmamanman kasabwat ang kapatid ni Miranda na si Natasha (Desiree del Valle). Napakatinik talaga ni Salvador at hindi siya napuruhan ni Miranda na inaasam pa rin niyang muling makakapiling.

READ MORE:  Vince Tañada, last movie na ang Esoterika: Maynila

Naku, talagang exciting to watch nga ang last two weeks ng Asintado kaya’t huwag bibitaw sa panonood Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Gold.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma


Maureen Wroblewitz may basher agad sa Eat Bulaga (Pretty kasi at sweet type pa)
Maureen Wroblewitz may basher agad sa Eat Bulaga (Pretty kasi at sweet type pa)
Liza Javier, nagpalit raw ng bagong pangalan?
Liza Javier, nagpalit raw ng bagong pangalan?
COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved