Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vision nina Santos at Ricio, nagkaisa sa pagsasapelikula ng Para Sa Broken Hearted
Vision nina Santos at Ricio, nagkaisa sa pagsasapelikula ng Para Sa Broken Hearted

Vision nina Santos at Ricio, nagkaisa sa pagsasapelikula ng Para Sa Broken Hearted

NANINIWALA si Marcelo Santos III na “perfect ang casting” ng nobela niyang isinapelikula, ang Para Sa Broken Hearted handog ng Viva Films na mapapanood na sa Oktubre 3.

Ani Santos, lagi siyang bumibisita sa shooting ng pelikula kaya nakita niya na pareho sila ng vision” ni direk Digo Ricio kung paano isasalin ang libro sa pelikula.

Tamang-tama rin ang theme song na Ang Awit Natin na kinanta ni Janine Teñoso at komposisyon nina Jazz Nicolas at Wally Acolola, na nagsulat ng hit song na Di Na Muli.

Bibigyang buhay nina Yassi Pressman, Shy Carlos, Louise Delos Reyes, Sam Concepcionm, at Marco Gumabao ang mga karakter na sina Shalee, Jackie, Kath, Alex, at RJ.

READ MORE:  Birdshot at Deadma Walking may libreng film showing sa FDCP Basic Workshops on Filmmaking!

Si Shalee (Yassi) ay isang photography enthusiast na masayahin sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng sakit sa puso. Bata pa lang sila ay may gusto na siya kay Alex (Sam). Si Alex ay mahilig din sa arts, ngunit mga halimaw ang paborito niyang iguhit.

READ MORE:  Wowowin, 3 Linggo ng talo sa ratings; Willie, malungkot ang aura

Si Jackie (Shy) ay isang go-getter. Laki sa nanay at lola, alam niya na kayang makamit ng babae anuman ang gustuhin niya.  Kaya naman ginawa niya ang lahat para mapalapit kay RJ (Marco).  Si RJ ay isang varsity player na may matamis na dila, kaya naman maraming nagkakagusto sa kanya.

READ MORE:  Sexy pictorial ni Jake, ikina-react ng ilang kapwa artista

Si Kath (Louise) ay malakas ang loob at mahilig sa lakaran.  Marami siyang hugot, isang senyales na may dinadala siyang kalungkutan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


#YATO, a gift from God — Lance
#YATO, a gift from God — Lance
Derrick, tinablan sa sobrang wild ng love scene nila ni Sanya
Derrick, tinablan sa sobrang wild ng love scene nila ni Sanya
COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved