Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Shaina Cabreros chill and relax lang sa career
Shaina Cabreros chill and relax lang sa career

Shaina Cabreros chill and relax lang sa career

Bata pa lang ay isinasalang na sa rampahan si Shaina Cabreros ng kaniyang daddy/manager na si Ronnie Cabreros at halos regular na si Shaina noon sa Retasso On Ramp at iba pang events na naiimbitahan siya para mag-per­form. Palibhasa’y maliit pa lang ay nasa showbiz na at mas nahasa na ngayon ang singing voice ng young singer/model.

READ MORE:  Nash, Ella, at Alexa, kahanga-hanga ang pagiging articulate

Pagmamalaki ni kaibigang Ron­nie sa amin, ang husay nang mag-perform ng daughter niya na magaling rin sa adlib. Tumigil rin pala ng maha­bang panahon si Shaina dahil nag-focus siya sa kanyang studies pero ngayon ay balik-showbiz na siya.

Ang magan­da sa dalaga ay no pressure siya sa kanyang show­biz career, kumbaga chill and relax lang siya lalo’t hindi naman siya breadwinner ng pamilya. Pero kung aangat siya sa field niyang ito ay gusto niya rin siyempreng mag-share sa kanyang family.

READ MORE:  Throwback photos ni Dovie San Andres maraming nag-like

Selfless din ang nasabing singer at sumusuporta rin siya sa mga alaga ng kanyang Daddy Ron na isa nang certified talent manager.

READ MORE:  Sheree, sobrang iniyakan ang pakikipaghiwalay kay Gian

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma


Coco Martin hulog ng langit sa production people ng No.1 seryeng FPJ’s Ang Probinsyano (Nagpa-raffle ng kotse at namigay ng P.5-M)Coco Martin hulog ng langit sa production people ng No.1 seryeng FPJ’s Ang Probinsyano (Nagpa-raffle ng kotse at namigay ng P.5-M)
Direk Reyno Oposa may malaking movie project sa 2019
Direk Reyno Oposa may malaking movie project sa 2019
COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved