Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Palakpakan sa gera vs droga
Palakpakan sa gera vs droga

Palakpakan sa gera vs droga

KUNG mayroong isang bagay na labis na ikinatutuwa ng mamamayan, at ikinaiinis naman ng oposisyon, ito ay walang iba kundi ang kampanya ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa ilegal na droga.

Matindi pa rin ang suportang ibinibigay ng publiko sa gerang inilunsad ni Digong laban sa droga, kahit may pag-amin siyang ginawa kamakailan na hindi niya kayang solusyonan ang problemang ito kahit pa hanggang matapos ang kanyang ter­mino. Ito ay base na rin sa survey na ginawa ng Social Weather Station na nagsasabi na walo sa 10 Filipino ay kontento sa gerang isinasagawa ng gobyerno.

READ MORE:  Justice Secretary Leila De Lima hinahamon na ng Emperor Int’l Ktv Club at K-One KTV Bar

Nangangahulugan na pabor na pabor ang publiko sa kampanyang ito ni Digong, na alam naman natin na labis na kinasusuklaman ng mga taga-oposisyon, hindi naman dahil sa ayaw nilang malupig ang mga dealer at pusher ng droga, kun­di sa paraan kung paano ireresolba ito na kadalasan ay nauuwi sa paglabag sa karapatang pantao.

READ MORE:  Bike lane sa major roads, bigyang prayoridad!

May magandang bagay pa rin palang nagagawa ang admi­nistrasyon ni Digong, at may tinutupad pa rin pala siyang pa­ngako – ang solusyonan ang problema sa droga, bagamat hindi nga raw ito matatapos sa madaling panahon.

Gayonman, isang bagay ito na dapat ipagmalaki ng go­byerno ni Digong at siyang maging motibasyon nito na ituloy ang laban kahit pa maraming kumokontra.

READ MORE:  Walang saysay makipag-usap sa Simbahang Katolika

Pero hindi naman siguro tama na rito na lamang ilaan ang la­hat ng lakas at oras ng gobyerno.

Napatunayan ng pamahalaan na tama ang ginagawa nito kontra droga, pero posible naman siguro na ituon na ngayon ang pokus nito sa usapin na mas malapit sa bituka ng bayan ang presyo ng mga bilihin!

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved