Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Panganib sa lipunan sina Mocha at Olivar

Panganib sa lipunan sina Mocha at Olivar

NAGIGING banta na sa lipunan ang mag-among sina Presidential Com­munications Operations Office (PCOO) Asst. Sec. Mocha Uson at Drew Olivar na alaga niyang siyoke.

Hindi pa man naka­babangon sa matinding galit ng publiko sa mala­king pambabastos nila sa mga may kapansanan sa pandinig nang ga­wing katatawanan ang sign language ay nakatakda na namang ma­sampahan ng panibagong kaso.

Ito ay matapos maghasik ni Olivar ng terorismo sa social media na binabalaan ang publiko na ‘wag lalahok sa mga kilos-protesta sa ika-46 anibersaryo ng Martial Law.

Isang araw bago ang anibersaryo ng ML, kumalat ang post ni Olivar sa social media, aniya:

Ay, nakakatakot naman mag-rally sa EDSA kasi may kumakalat na baka maulit daw ‘yung pagbomba kagaya sa Plaza Miranda! Kung ako sa inyo, hindi na ako pupunta.”

Marahil ay hindi alam ni Olivar na ipinagba­bawal sa batas ang bomb scare kaya’t agad niyang binura at tinanggal ang nasabing post matapos paalalahanan ng ilang netizen na posible siyang mabilanggo.

READ MORE:  A.K.A. TY aktibo pa rin sa resins smuggling

Para sa kaalaman ni Olivar, “Ignorance of the law excuses no one.”

Sabi nga ni Alexander Pope, ”A little learning is a dangerous thing.”

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Guillermo Eleazar, ang tsutsuwa ni Uson na si Olivar ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa Anti-Bomb Joke Law (Presidential Decree No. 1727) at Cybercrime Prevention Act of 2012 (Republic Act No. 10195).

Bagama’t muli siyang humingi ng paumanhin, bakas na bakas ang kawalan ng remorse ni Olivar at publiko pa ang lumitaw na hindi marunong umintindi sa kanyang kagagohan.

Sa idinaos na press con sa NCRPO katabi sina Gen. Eleazar at ang among si Uson, ang sabi ni Olivar:

”Ito magso-sorry lang ako kung may naalarma po riyan na parang iba ‘yung pagkakaintindi ng sinabi ko. Doon po ako magso-sorry. So sorry po.”

Nagmatigas pa si Olivar at todo-tanggi na kesyo wala raw siyang intensiyon na takutin ang publiko.

Aba’y paano kung ang lahat ng kriminal ay pareho ni Olivar ang katuwiran, ibig sabihin ba ay absuwelto na sa kasalanan kahit may nilabag na batas?

READ MORE:  Koko pinalakas ang alyansa ng Filipinas at Russia

Ang paglabag sa PD 1727 ay may katapat lamang na 5-taon pagkabilanggo at multang aabot sa P40,000, na kung tutuusin ay hindi sapat para sa mga tulad nina Olivar at ng amo niyang si Uson na masyadong inaabuso ang kapangyarihan at ang pagiging malapit nila kay Pang. Rodrigo “Digong” Duterte.

Bagay na bagay sa mag-among sina Uson at Olivar ang winika ni Abraham Lincoln na, ”All men can stand adversity, but if you want to test a man’s character, give him power.”

Sina Uson at Olivar ay malaking banta ng panganib sa lipunan at nababagay ihagis sa ibang planeta na walang sibilisasyon.

 

MGA SURE ANG PANALO

KUNG 100 ANG SENADOR

NANGUNGUNA sa mga mananalong senador sa 2019 midterm elections ang mga sumusunod:

Special Assistant to the President Christopher Bong Go, Francis Tolentino, Social Welfare Undersecretary Isko Moreno, Davao City Rep. Karlo Nograles, Freddie Aguilar, presidential spokesman Harry Roque Jr., Agot Isidro, dating TV reporter Jiggy Manicad, Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu, former interior and local government secretary Rafael Alunan, Magdalo Rep. Gary Alejano and human rights lawyer Jose Manuel Diokno, Valenzuela Mayor Rex Gatchalian.

READ MORE:  “Tanim–Laglag Bala” pakana ng mga artista . . .

Batay sa pinakahuling Pulse Asia survey, pasok na pasok at sigurado na ang kanilang panalo kung 100 ang ibobotong senador.

Siyempre para madagdagan ang bilang ng senador mula 24 ay kailangan munang baguhin ang Saligang Batas bago ang nakatakdang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa October 5.

Kung ‘di man madaragdagan ang bilang ng mga senador ay may isa pang paraan na maaring baguhin sa Saligang Batas para sila mapabilang sa Magic 12.

Tiyak din ang panalo nila kung ang eleksiyon ay gagawing perdigana.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved