Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 3 sa 5 Pinoy kombinsidong human rights violation (Pagdakip sa tambay)
3 sa 5 Pinoy kombinsidong human rights violation (Pagdakip sa tambay)

3 sa 5 Pinoy kombinsidong human rights violation (Pagdakip sa tambay)

TATLO sa limang Filipino ang naniniwalang paglabag sa karapatang pantao ang pagdakip ng mga pulis sa tambay, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa 1,200 respondents, 60% ang nagsabi na human rights violation ang pag-aresto sa mga tambay.

Ikinaila ng Palasyo na utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdakip sa mga tambay dahil ang paggala ay hindi krimen.

READ MORE:  Roque bumalik sa Palasyo para magpaalam

”On the arrest of tambays as a violation of human rights, the matter has already been clarified when the President had said he did not order the arrest of tambays for loitering per se is not a crime,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Noong nakalipas na Hunyo ay inatasan ng Pangulo ang pulisya na mahigpit na ipatupad ang mga batas lalo ang mga pagala-gala sa kalye na posibleng makaprehuwisyo sa publiko.

READ MORE:  Suporta kay SAP Bong Go sa Senado todo puwersa

Umani ng batikos ang walang habas na pagdakip ng ilang pulis sa umano’y mga “tambay” na kanilang kinikilan at may mga namatay habang nasa kanilang kustodiya.

Samantala, ikinatuwa ng Palasyo ang resulta ng SWS survey na may 76% satisfaction rating sa isinusulong na drug war ng administrasyong Duterte.

“This is a testament that the drug war continues to enjoy the broad support of our people, notwithstanding the efforts of the detractors and critics of the administration to politicize the issue or discredit the campaign,” sabi ni Roque.

READ MORE:  Mocha, blogger dapat managot sa ilalim ng R.A. 9442 (Magna Carta for Disabled Persons)

Naniniwala si Roque na ang mataas na approval rating ay nagmula sa pagnanais ng mga mamamayan sa mas ligtas na kapaligiran. (ROSE NOVENARIO)

 

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved