Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JM, ipinalit ni Barbie kay Paul?
JM, ipinalit ni Barbie kay Paul?

JM, ipinalit ni Barbie kay Paul?

NAGKATAMPUHAN pala ang magkapareha sa seryeng Araw Gabi na sina Barbie Imperial at JM de Guzman, pero ngayon ay okey na sila. Naayos na nila ang kanilang tampuhan, na hindi sinabi ni JM kung ano ang pinag-ugatan.

Sa kanyang Instagram story noong Lunes, ibinahagi ni JM ang maigsing video na makikitang nagkukulitan sila ni Barbie. Bungad na pahayag ni JM, “Peace and all good.”

Sabay tanong ni JM kay Barbie, “Bati na tayo?” Balik-tanong ni Barbie, “Bati na tayo?”

Sagot naman ni JM, “Bati na.”

Nasun­dan pa ito ng hiwalay na Instagram story na isinulat niya ang “Start over again…this time we’ll do it right.”

Well, ano nga kaya ang dahilan ng naging tampuhan ng dalawa? At ano kaya ang ibig sabihin ni JM sa sinabi niyang this time, we’ll do it right? Parang may something na nga sa dalawa, ‘di ba? Si JM na nga kaya ang bagong lalaki sa buhay ni Barbie after nilang maghiwalay ni Paul Salas?

READ MORE:  Eat Bulaga nagbalik-tanaw sa ika-39 taon sa local TV Selebrasyon ng anibersaryo Non-stop ang sorpresa
READ MORE:  Ara, sumaya nang dalawin sa set ng Araw Gabi

Nagka-developan kaya sila, dahil lagi silang nagkikita sa taping ng kanilang serye? Pakisagot nga Barbie at JM?

READ MORE:  Sex, kaswal lang pag-usapan nina JM at Rhian

MA at PA
ni Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved