Saturday , April 20 2024
Darren Criss Emmy Awards
Darren Criss Emmy Awards

Pinoy, wagi sa Primetime Emmy Awards

SA wakas, may aktor ng may dugong Pinoy na nagwagi sa Primetime Emmy Awards para sa mga Kano.

Si Darren Criss,  na ang nanay ay tubong Cebu, ay pinarangalan bilang Outstanding Lead Actor in a Limited Series or Movie sa Primetimy Emmy Awards noong September 17 sa Amerika. Idinaos ang awards night sa Microsoft Theater sa Los Angeles, California.

Ang Emmy Awards ay itinuturing na pinaka-prestigious na TV award sa buong mundo.

Nagwagi si Darren para sa pagganap n’ya sa The Assassination of Gianni Versace. Gumanap siya bilang Andrew Cunanan, ang half-Filipino serial killer na nasentensiyahan sa pagpatay sa limang lalaki, kabilang na ang world-famous fashion designer na si Gianni Versace noong 1997.

Sumikat si Darren sa Amerika dahil sa pagiging bahagi n’ya ng cast ng TV musical na Glee na sumikat sa buong mundo at nagwagi rin sa Emmy ng ilang ulit.

Sa mga interbyu sa kanya, laging binibigyang diin ni Darren na ang hilig n’ya sa musika ay nakuha  sa ina n’yang Cebuana, bagama’t mahilig din ang ama n’ya na maggitara pero ayaw tumugtog sa harap ng maraming tao. Isang banker ang ama ni Darren.

Inaamin n’yang ‘di siya halatang may dugong Pinoy—kaya itinuturing n’ya ang pagiging Pinoy bilang “my secret weapon.” 

Thirty-one years old na si Darren at may girlfriend na. Nine years old pa lang siya noong magsimula siyang mag-aral kumanta at maggitara. Mahusay din siyang composer at musician.

May mga album na siya na napabilang sa Top 100 sa ilang kategorya ng Billboard.

Maraming entries sa Google tungkol sa kanya. Sikat siya sa US, lalo na sa Los Angeles.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Darren Espanto Kyline Alcantara

Darren at Kyline isang taong naging mag-GF-BF

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Darren Espanto na naging girlfriend niya ang si Kyline …

Bong Revilla, Jr

Sen. Bong naospital nagkaproblema sa sakong

REALITY BITESni Dominic Rea KASALUKUYANG nasa isang ospital si Sen Bong Revilla Jr.. Iyon ang nakita …

Andres Muhlach

Andres Muhlach hindi pa nagkaka-GF since birth (Choosy kaya?)

HATAWANni Ed de Leon NO girlfriend since birth. Iyan ang deklarasyon ni Andres Muhlach tungkol sa kanyang …

Richard Gomez Stella Suarez Jr

Richard at Stella Suarez Jr magpinsan, hindi kambal o magkapatid

HATAWANni Ed de Leon MAY nabasa kaming isang kuwento tungkol naman sa dating sexy star …

Donny Pangilinan Kathryn Bernardo

Donny gusto rin daw manligaw kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon ANO na namang tsismis iyan? Noong una raw ay nagbalak din …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *