Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ipe, umanib na sa PDP-Laban: Anong posisyon kaya ang susungkitin?
Ipe, umanib na sa PDP-Laban: Anong posisyon kaya ang susungkitin?

Ipe, umanib na sa PDP-Laban: Anong posisyon kaya ang susungkitin?

ISA si Phillip Salvador sa tatlong personalidad na umanib kamakailan sa PDP-Laban.

Kompirmado nang isa sa kanila ang tatakbo sa pagka-Senador sa next year’s elections, si dating PNP Chief Bato de la Rosa.

Hindi naman porke umanib si Kuya Ipe sa nasabing partido ay may balak din siyang kumandidato (uli).

READ MORE:  Rayantha Leigh, mag-aala Yeng Constantino

Nasubaybayan namin ang tinahak na landas sa politika ni Kuya Ipe. Kung matatandaan, una siyang nakipagsapalaran sa pagka-Vice Mayor ng Mandaluyong City pero ‘di pinalad.

Sumunod ay sa Pasay City naman siya nagbalak tumakbo. Rehistrado raw siya sa parteng Pildera malapit sa airport. Pero hindi ‘yon natuloy.

READ MORE:  Phillip Salvador, napahalakhak sa usaping comatose si Digong

Noong 2016 ay binangga niya si Daniel Fernando sa pagka-Vice Governor ng Bulacan pero hindi siya sinuwerte.

Seeing him raise his right hand bilang kabahagi ng PDP-Laban, ang tanong: if ever, ano naman kayang posisyon ang nais sungkitin ng aktor?

READ MORE:  PDP-Laban bet si Lim sa Maynila

Sa ngayon ay parang aktibo na rin si Kuya Ipe sa politika. Kinakatawan niya si Pangulong Duterte in certain functions kung hindi makadadalo ang huli.

Nasa plantilla kaya siya, Mr. Bong Go?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

 

 

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved