Wednesday , December 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mas magagaling ang mga anak
Mas magagaling ang mga anak

Mas magagaling ang mga anak

MASAYA pang esplika ni Sylvia, “‘Di ba kahit sabihin pang mas magaling sa akin ang mga anak kong umarte, ang saya ko. Mas ayoko iyong ‘uy mas magaling ka sa anak mo,’ mas nakalulungkot ‘yun.

“May nagsasabi sa akin na ‘mas magaling sa iyo anak mo.’ Thank you. Kung may nagsasabi na ‘mas busy ang mga anak mo sa iyo’, thank you. Kaysa sabihin na ako mas busy mas magaling ay nakalulungkot ‘yun.”

READ MORE:  Kris Aquino, kakasuhan ang abogadong kapatid ni Nicko Falcis

Giit pa ni Sylvia, “Actually sinasabi ko naman sa mga anak ko na huwag tayong mangarap na biglang bida.

“Huwag kang mangarap na riyan ka agad sa top.

READ MORE:  Mga relasyong ‘di inaamin, nauuso sa showbiz

“Mangarap tayo na maging pulido ang foundation n’yo bilang aktor. Maging solido ‘yung foundation n’yo bilang actor kaya dahan-dahan nating abutin kung anuman ang gusto ninyong abutin. Kasi mas maganda ‘yung longevity eh.

“Ang pangarap ko sa mga anak ko eh hanggang sa kung kailan nila gustong mag-artista. Hanggang sa pagtanda nila. Kaysa ‘yun biglaan andyan ka agad tapos mawawala. Ang daming nangyayaring ganoon aminin natin. Natuto ako sa ganoon,” sambit pa ng aktres.

READ MORE:  Ipe, umanib na sa PDP-Laban: Anong posisyon kaya ang susungkitin?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Sylvia Sanchez, tinilian at pinagkaguluhan; dami ng proyekto ng mga anak, ikinatuwa
Sylvia Sanchez, tinilian at pinagkaguluhan; dami ng proyekto ng mga anak, ikinatuwa
Arjo, natataranta sa sabay-sabay na offer
Arjo, natataranta sa sabay-sabay na offer
Kris, balik-trabaho na agad
Kris, balik-trabaho na agad
COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved