Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Controversial businesswoman Kath Dupaya handang humarap sa korte (Kapag ‘di totoong tax evader si Joel Cruz)
Controversial businesswoman Kath Dupaya handang humarap sa korte (Kapag ‘di totoong tax evader si Joel Cruz)

Controversial businesswoman Kath Dupaya handang humarap sa korte (Kapag ‘di totoong tax evader si Joel Cruz)

Bumalik sa bansa kamakailan ang controversial na businesswoman na si Kath Dupaya at ilang araw lang  siyang nag-stay at agad bumalik sa Brunei dahil sa mga nego­syong naiwan.

Nang makausap namin si Madam Kath, sa kanyang condo sa Taguig ay nanindigan siya sa kanyang bintang na ‘tax evader’ ang nego­siyanteng si Joel Cruz.

At masaya raw siya (Dupaya) dahil unti-unti nang ng nagkakaroon ng linaw ang reklamo niya kay Joel dahil aaksiyonan na ito ng BIR at ng opisina ni SAP Bong Go.

READ MORE:  Marion at Michael, may show sa Zirkoh sa March 6

“Matibay ang lahat ng ebidensiyang hawak ko lalo na ‘yung report na daily income sa kanyang Afficionado at galing mismo ito sa kanyang company ng pabango.

“Sobra niyang minaliit ang pagkatao ko at ipina- media niya ako at ipinahiya sa publiko. Ang hakbang kong ito ay hindi upang maghiganti sa kanya kundi gusto ko lang maisiwalat ang ginagawa niyang pandaraya sa pagbabayad ng hindi tamang buwis?” pahayag ni Madam Kath ukol kay Mr. Cruz.

READ MORE:  Joel Cruz ng Aficionado nakalusot nga ba sa BIR?

Hindi rin siya naniniwalang number one tax payer ang isa pang kompanya ni Cruz sa Bulacan. Bago pala nagbiyahe pa-Brunei ang negosiyante ay dumaan muna sa BIR national office sa QC, at nakatanggap rin siya ng tawag mula sa kilalang government official sa Malacañang.

Sa mga hindi raw naniniwala kay Madam Kath sa bintang niyang isang ‘tax evader’ si Joel Cruz, kapag napatu­nayan raw na hindi siya nagsasabi ng totoo ay nakahanda siyang harapin ang parusang ‘death penalty’ sakaling ipataw ito sa kanya.

READ MORE:  Makabuluhang finale ng positive, matutunghayan (Martin, makikilala na ang nagbigay sa kanya ng HIV!)

Bukas po ang aming pahina para naman sa panig ni Mr. Joel Cruz o ng kaniyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma


Libre ang magpa-book at manood sa Eat Bulaga nang Live
Libre ang magpa-book at manood sa Eat Bulaga nang Live
RS Francisco super husay na stage actor
RS Francisco super husay na stage actor
COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved