Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sunshine, ‘di kailangang magpaliwanag; mga anak, nakaaalam ng sitwasyon
Sunshine, ‘di kailangang magpaliwanag; mga anak, nakaaalam ng sitwasyon

Sunshine, ‘di kailangang magpaliwanag; mga anak, nakaaalam ng sitwasyon

SINAGOT ni Sunshine Cruz ang isang kolumnista na nagsabing wala namang naniniwala sa mga reklamo ni Sunshine laban sa hindi pagbibigay ng tamang sustento ni Cesar Montano, kasi kilala naman  si Cesar sa pagiging generous maski sa mga anak lang ng mga kaibigan niya. ”Eh di lalo na sa kanyang mga tunay na anak,” dugtong pa ng kolumnista.

Simple lang naman ang naging sagot ni Sunshine, ”hindi mo alam ang totoong sitwasyon.”

Sa iisang sitwasyon, nagkakaiba nga siguro ang pagtingin ng mga tao, lalo na sa kasong iyan na magkaiba naman ang kanilang basehan. Ang sinasabi ng kolumnista ay kung ano lamang ang nakikita niya, at inamin niya na talagang kaibigan niya si Cesar. Hindi naman niya sinabing alam niya kung ano ang sitwasyon ng mga anak nila ni Sunshine. Hindi naman niya talaga alam iyon.

READ MORE:  Sunshine, buo ang loob na mag-isang itataguyod ang 3 anak

May dalawang batayan, una kung ano ang karanasan niya sa kaibigan niya. Ikalawa kung ano ang nakikita niya sa buhay ng kaibigan niya na isang artista, at siya na isang kolumnista.

READ MORE:  Sunshine Cruz, swak na swak bilang endorser ng Century Tuna

Sa parte ni Sunshine, ang sinasabi lang naman niya ay ang nakaatang sa kanyang responsibilidad na kung iisipin hindi naman niya dapat sinasagot na lahat. Ang isang punto pa roon, maliwanag na ang mga anak naman ni Sunshine, na siguro masasabi nating mas nakaaalam ng totoong sitwasyon dahil sila mismo iyong involved ay kampi sa nanay nila.

READ MORE:  Gerald, ipinababalato sa kanila ni Maja ang dahilan ng kanilang hiwalayan

Hindi na nga siguro masasabing importante kung sino man ang mas makapagtuwid ng katuwiran sa kanilang publisidad. Ang mas mahalaga roon, ano ba ang sinasabi ng kanilang mga anak na siyang apektado talaga sa mga problema.

Palagay nga namin hindi na kailangang sumagot si Sunshine o magpaliwanag kanino man, dahil higit sa lahat alam ng mga anak niya ang tunay na sitwasyon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved