Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / RS Francisco, nanginginig pa rin sa tuwing maghuhubad
RS Francisco, nanginginig pa rin sa tuwing maghuhubad

RS Francisco, nanginginig pa rin sa tuwing maghuhubad

MATAPANG at walang takot na nagtanggal ng saplot si RS Francisco sa pinagbibidahang play, ang M Butterfly. At kahit nagawa na niya ito 28 years ago ay lagi pa ring kinakabog ang kanyang dibdib.

Anito, ”Alam mo, honestly, parati kaming nagre-rehearse, hindi ako nakahubad.”

“Tapos, kanina, noong nagme-make-up na ako, sabi ko, ‘Alam mo, ngayon ko lang na-realize, maghuhubad pala ako today. Kaya ko pa ba? So, tomorrow, at sa isang bukas, maraming artistang manonood. Ewan ko kung paano ako maghuhubad.

“Siyempre, may nginig pa rin! May takot! tapos, sabi ni junior, tut-tut-tut-tut-tut-tut-tut-tut!, siyempre, nakakatakot, eh! Ikaw ba naman ang maghubad sa maraming tao!

“Alam mo, even before noong ginawa ko, the first few days, kinakabahan ako,after a week or two na paggagawa, and then we went on tour before, sanay na sanay na ako.

“’Pag nagpo-frontal na ako, naglalakad na ako on stage and all. Ngayon lang, medyo kinabahan pa talaga ako! Siyempre, it’s not every day that you get to strip in front of four, five hundred people,” giit pa nito.

READ MORE:  Mendoza, ididirehe si Du30 sa SONA
READ MORE:  M Butterfly, nag-extend ng anim na araw

MATABIL
ni John Fontanilla


Turismo at kalusugan, tututukan ni Angara
Turismo at kalusugan, tututukan ni Angara
Rayantha Leigh, waging Best New Female Recording Artist
Rayantha Leigh, waging Best New Female Recording Artist
COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved