Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rayantha Leigh, waging Best New Female Recording Artist
Rayantha Leigh, waging Best New Female Recording Artist

Rayantha Leigh, waging Best New Female Recording Artist

MASAYA ang Ppop-Internet Heartthrobs Singing Sweetheart na si Rayantha Leigh sa pagwawagi bilang Best New Female Recording Artist sa katatapos na 9th at 10th Philippine Movie Press Club Star Awards for Music na ginanap sa Resorts World Manila kamakailan.

Hindi inaasahan ni Rayantha na mananalo siya dahil mabibigat ang mga kalaban. ”Sobrang nagulat po ako nang tawagin ‘yung name ko kasi hindi ko ini-expect na mananalo ako kasi nga po mabibigat ‘yung mga co-nominee ko. Kaya noong tinawag ‘yung pangalan ko along with Kyline (Alcantara) ‘di kaagad ako nakatayo.

“Nagpapasalamat po ako sa very supportive parents ko (Mommy Lani and Daddy Ricky), sa somposer ng ‘Laging Ikaw’ na si sir Kedy Sanchez at sa PMPC.”

Bukod sa pagkakapanalo ay sunod-sunod ang blessings na dumarating kay Rayantha katulad ng bagong endorsements at show tulad ng SMAC TV Productions/Net 25 teen show, Bee Happy Go Lucky at Prodigal Prince. May mall show din siya sa Sept. 30 with Ppop –Internet Heartthrobs co-members sa Shopalooza Bazaar.

READ MORE:  Sam at Jen, ramdam ang chemistry sa PreNup
READ MORE:  Alex Gonzaga, nakabili ng luxury car dahil sa popular na vlog

MATABIL
ni John Fontanilla


RS Francisco, nanginginig pa rin sa tuwing maghuhubad
RS Francisco, nanginginig pa rin sa tuwing maghuhubad
Turismo at kalusugan, tututukan ni Angara
Turismo at kalusugan, tututukan ni Angara
COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved