Thursday , March 28 2024

Kiko, ‘wa ker makipaghalikan sa bading

BONGGA si Kiko Matos, huh! May dalawang pelikula kasi siya sa ToFarm Film Festival 2018, ang Mga Anak ng Kamote mula sa direksiyon ni Carlo Enciso at Alimuom mula naman sa direksiyon ni Keith Sicat.

Sa una, gumaganap si Kiko bilang seller ng kamote. Kasama niya rito sina Katrina Halili, Alex Medina, Carla Guevarra, at Lui Manansala. Sa Alimuomnaman, isa siyang goverment officer. Co-stars niya sina Ina Feleo, Epy Quizon, Mon Confiado, Dido dela Paz, Alora Espano, at Karl Medina.

“’Yung alimuom, singaw ‘yun ng lupa pagkatapos umambon. Sa pelikula po, ipinagbabawal na ng gobyerno ang pagtatanim dahil sa alimuom, ‘yung athmosphere,” sabi ni Kiko tungkol sa Alimuom.

“Doon naman sa ‘Mga Anak Ng Kamote,’ ipinagbabawal ng gobyerno ang pagkain ng kamote dahil nakasasama ‘yun sa kalusugan. Pero fiction lang naman po ito.”

Paano niya napagsabay ang paggawa ng dalawang pelikula?

“Una ko pong ginawa ‘yung ‘Alimuom.’ Noong natapos ko na po ‘yung gawin, tinawagan naman po ako para sa ‘Mga Anak Ng Kamote.’”

Sa tingin niya ba, mapapansin ang akting niya sa dalawang pelikula? Posible bang ma-nominate siya sa darating na awards night ng Tofarm 2018 at manalo siya?

“Hindi ko po alam, eh. Hindi naman po ako gumagawa ng pelikula para mapansin, eh. Gumagawa lang po ako ng pelikula para kumita,” natatawang sagot ni Kiko.

May ginawang short film si Kiko sa Cinemalaya 2018 na You, Me and Mr. Wiggles na may frontal nudity siya. Walang takot niyang ipinakita rito ang kanyang ‘pototoy’. Ano ang nagpalakas ng loob niya para magpakita ng ‘pototoy’ sa pelikula?

“Wala! Gusto ko po siyang gawin, eh. Hindi na kailangan ng lakas ng loob para sa character.”

Bukod sa frontal nudity, nagawa na rin ni Kiko na makipaghalikan sa kapwa niya aktor sa ibang indie films na ginawa niya. Kung sakali bang may offer sa kanya na may kissing scene ulit siya sa kapwa niya aktor, pero bading talaga ang makakahalikan niya, okey lang din ba sa kanya?

“Okey lang,” sagot ni Kiko.

“Basta sa akin, bayad ako, walang magiging problema. ‘Pag hindi ako nabayaran, doon magkakaproblema,” natatawang sabi pa ni Kiko bilang pagtatapos sa aming panayam sa kanya sa presscon ng Tofarm Film Festival 2018.

ni ROMMEL PLACENTE

About Rommel Placente

Check Also

Moira dela Torre

Moira inaming naging bulimic sa loob ng 2 taon

RATED Rni Rommel Gonzales MAY mensahe si Moira dela Torre para sa mga taong kasalukuyang nagdurusa dahil …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul mag-ilaw kayang muli kasama si Mikee sa Good Friday procession?  

I-FLEXni Jun Nardo MADALAS naming nakikita at nakaka-chikahan si Mikee Quintos tuwing Biyernes Santo. Eh kahit nakatira …

DingDong Dantes Marian Rivera Zia Sixto

Marian excited sa biyahe ng kanilang pamilya 

I-FLEXni Jun Nardo KOMPLETO na ang pamilya Dantes (Dong, Marian, Zia, at Sixto) na biyahe nila sa ibang bansa …

blind item

Magsyotang lesbiyanang sexy model at GF wasak planong utuin ang DOM

ni Ed de Leon NATAUHAN ang sexy female model na akala ay totoong baliw na baliw sa …

Tom Rodriguez Carla Abellana

Carla wa ker umibig mang muli si Tom

HATAWANni Ed de Leon AYAW daw magbigay ng ano mang reaksiyon si Carla Abellana sa sinasabi ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *