Tuesday , December 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / ‘Batang hamog’ lusot na lusot sa Juvenile Act ni Senator Kiko
‘Batang hamog’ lusot na lusot sa Juvenile Act ni Senator Kiko

‘Batang hamog’ lusot na lusot sa Juvenile Act ni Senator Kiko

NAKITA nang marami sa social media kung paano magwala at manakit ang mga ‘batang hamog’ sa Pasay City, kamakailan.

Hindi lang ‘yung kaso ng matandang kina­ladkad nila pababa sa dyip saka pinagtulungang hatak-hatakin habang sinasaktan hanggang maigupo sa gutter.

‘Yan ay sa Taft Avenue nangyari.

Iba pa ‘yung naganap sa Macapagal Blvd., na walang ginawa kundi manakit ng mga pasahero at mang-agaw ng mga gamit o pag­kain na kursunada nila.

READ MORE:  Premier investigating body napasok na naman ng mga “bagman”? (Attn: NBI Dir. Virgilio Mendez)

Mantakin ninyo, sitsirya lang ang target pero walang pakundangan kung makapanakit ng mga pasahero?!

Ang ipinagtataka natin, marami na palang reklamo tungkol sa mga ‘batang hamog’ na ‘yan, e bakit hindi man lang umaaksiyon ang mga awtoridad lalo na ang pulisya at Department of Social Work and Development (DSWD)?

READ MORE:  Sharon movie, ‘di kumita dahil sa maling formula (‘di dahil sa pagboykot ng dilawan)

Kung hindi pa naging viral sa social media, hindi pa madadampot ‘yang mga batang hamog na ‘yan.

Marami ang nagsasabi na ang nagaganap na ‘yan ay dahil sa inutil na ‘Juvenile Act’ ni Sen. Kiko Pangilinan. Wala bang gagawin si Senator Kiko para amyendahan ‘yang batas na ‘yan na hindi nakatulong kundi nakapag­palala pa sa pagiging delingkuwente ng mga kabataan?

READ MORE:  Dengue Expert sinupalpal ang PAO

Aksiyon!


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com


BULABUGIN
ni Jerry Yap


Reclusion Perpetua hatol kay ex-M/Gen. Jovito “The Butcher” Palparan
Reclusion Perpetua hatol kay ex-M/Gen. Jovito “The Butcher” Palparan
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved