Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angelica, gusto nang ‘makatiyak’ sa pag-ibig
Angelica, gusto nang ‘makatiyak’ sa pag-ibig

Angelica, gusto nang ‘makatiyak’ sa pag-ibig

NAPAGOD na sigurong magsasagot si Angelica Panganiban sa parating tinatanong kung naka-move on na siya at napamura siya at sabay sabing, ”gusto ko na nga mag-ninang, eh.”

Nakunan ng video si Angelica sa sinabi niyang ito kaya naman nag-viral ito at kaagad namang nilinaw ito ng leading lady ni Zanjoe Marudo na mapapanood sa pang-umagang teleseryeng Play House simula ngayong araw bago mag-It’s Showtime.

Klinaro ito ng aktres sa Tonight with Boy Abunda na wala siyang pinatutungkulan sa sinabi niyang ito.

Inakala ng mga nakapanood ng video na ang ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz na kasalukuyang karelasyon ngayon ni Ellen Adarnaat nabiyayaan sila ng anak ang tinutukoy ni Angelica na gusto niyang maging ninang.

“Kasi nga tinanong niya ako kung naka-move on na ako. Gusto ko na nga mag-ninang.

“Ganoon na nga, naka-move on na.Gusto ko mag-ninang sa lahat kasi ganoon po ako ka-loving na tao,” sabi ng aktres kay Kuya Boy Abunda.

Naniniwala naman kami na kapag nagiging joke time na lang ang mga bagay na nagpasakit sa isang tao ay isa lang ang ibig sabihin, wala nang nararamdamang sakit.

Anyway, natanong ang ilang cast ng Play House kung nasubukan na nilang makipagbahay-bahayan sa totoong buhay na ito naman talaga ang ibig sabihin ng titulo ng serye nila.

Nagbabahay-bahayan o live-in sina Zanjoe at Angelica sa Play House bilang guardian ng batang si Justin James Quilantang.

READ MORE:  Heart, sariling pera ang ginamit sa pagpapagawa ng bahay nila ni Sen. Chiz

“Pang 80’s ang tanong, siyempre kung mayroon kang special someone, minsan ‘yun ang gusto mong mangyari. ‘Di ba you’re in a relationship na ganito pala na ‘pag may relasyon, ganito-ganyan’ so parang tine-train mo na ang sarili mo na sa future kaya mo nang mag-asawa. Ako dumaan ako sa ganoon,” sagot ni Smokey Manaloto.

Ang sabi naman ni Nadia Montenegro”Actually hindi ko maintindihan, play house o bahay-bahayan parang madaling i-explain sa English. Well, sa story they have to be together because of the child.  In every relationship, ako I had a 29 years’ relationship, yes dumating sa punto na minsan hindi kayo nagkakasundong mag-asawa na you have to pretend in front of the children na everythings okay na siyempre hindi naman puwedeng malaman pa ng mga bata ang problema pero noong tumanda na sila (mga bata), nawala na rin ‘yung play house so wala na ‘yung bahay-bahayan. Habang tumatanda sila, mas magandang ino-open mo sa mga anak mo. I guess everybody who’s been in a relationship has done bahay-bahayan.”

“Hindi ko alam ‘yang mga ganyan kasi virgin pa po ako. Alam n’yo po, ‘yang bahay-bahayan na ‘yan sa mga panahong ito, eh, dapat subukin n’yo muna ang maglaro bago magdesisyon na gusto n’yo nang mag-asawa. Mayroon ganoon school of thought. Pero ako, napilitan akong makipag-bahay-bahayan kasi ‘yung unang relasyon ko, it didn’t work out so, nakipagbahay-bahayan na lang ako sa mga susunod (sabay tawa), no choice. Kasi sa isip ko, ayaw ko nang mag-asawa, parang mas masarap na lang makipag-bahay-bahayan at any moment na hindi kayo magkasundo (madaling maghiwalay),”  kuwento ni Dexter Doria.

READ MORE:  Dapat tanggapin na!

At si Malou De Guzman, ”hindi ko nga alam kung ano ba ‘yun.  Siyempe noong mga bata tayo, larong bahay-bahayan. Pero ngayong malaki na nagkaroon ng bahay parang nag-attempt ng bahay-bahayan kaya lang nasunog ‘yung bahay..iba pala ‘yung laro, sungka (tumawa). Hindi ako praktisado sa larong ‘yan, eh.  Mayroon naman kaya lang hindi ako suki ng larong ‘yan.”

Para naman kay Angelica, ang pag-ibig ay walang kasiguraduhan. Nangyari na ba ito sa kanya? ”May mga pagkakataong hindi ako sigurado sa mga pinapasok. Pero ngayon po ang gusto ko ay sigurado na. Pero wala nga kasi talagang kasiguraduhan at kung ano bang magiging kahihinatnan ng lahat dapat kasi handa kang sumugal sa pag-ibig kung talagang handa ka ng magmahal at kung kaya mo ng masaktan ulit. At dapat lagi kang panalo para sa sarili mo kahit na inisip ng iba na talo ka dahil marami ka namang natutuhan sa nangyari sa buhay mo.”

“Wala namang kasiguraduhan talaga, ako sigurista akong tao, takot ako kung hindi ako sigurado kung maganda ‘yung resulta ng papasukan ko. Kunwari hindi ako komportable maski sa laro, hindi ko na susubukan. Pero may mga natutuhan tayo tulad ngayon matapang na ako kahit hindi ako sigurado, sinusubukan ko pa rin kasi baka maganda ang kalalabasan,” pakli ni Zanjoe.

READ MORE:  Angelica, maingat na (sa paghahanap ng BF)

Natanong naman sina Kean Cipriano at Maxene Magalona kung kanino nila inaalay ang awiting I Love You More Today Than Yesterday na theme song mismo ng Play House.

“Ako po ikinasal ng January (2018) at talagang love ko po siya (husband) kaya talagang love ko po siya today than yesterday and always everyday,” sabi ni Maxene.

Ikinasal na si Kean kay Chynna Ortaleza two years ago at may isa na silang anak na babae, ”Masasabi kong mahal na mahal ko po ang asawa ko.”

Hirit naman ni Nadia ay, ”ako ngayong wala na siya (Mayor Boy Asistio), mas mahal ko siya at walang kapalit, paano mo papantayan ‘yun?”

Simula ngayong araw ang seryeng Play House kasama sina Kisses Delavin, Donny Pangilinan, AC Bonifacio, Ariella Arida, Ingrid Dela Paz, Jomari Angeles mula sa GMO unit.

 FACT SHEET
ni Reggee Bonoan  


Pagiging housemate, action star, reality contestant puwedeng maranasan sa ABS-CBN Studio Experience
Pagiging housemate, action star, reality contestant puwedeng maranasan sa ABS-CBN Studio Experience
COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved