Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ai Ai, Marian, Julie Ann, Christian atbp stars sa “Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim”
Ai Ai, Marian, Julie Ann, Christian atbp stars sa “Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim”

Ai Ai, Marian, Julie Ann, Christian atbp stars sa “Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim”

MASAYANG  humarap  sa  kanilang presscon ang  Kapuso big  stars para ibigay ang magan­dang  balita  na  maagang Pamasko nila sa mga  kababa­yan  natin  sa  Anaheim.  Super excited na si Marian kasama ang iba pang Kapuso stars sa “Kapu­song Pinoy: Paskuhan at Kantawa­nan sa Anaheim.”

Ka-join din dito sina Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose and the comedic duo of Donita Nose and Super Tekla.

“Excited ako at nagagalak na ipadama sa mga Kapuso natin sa Amerika ang totoong diwa ng Pasko. Siyempre iba pa rin ‘yung saya kapag ang kasama mong mag-celebrate ay ‘yung pamilya mo, mga kapwa mo Pinoy, kaya ‘yun ang gusto naming ihatid sa kanila,” ani Marian na host ng drama series na Tadhana na tumatalakay sa buhay ng mga OFW.

READ MORE:  Kikinang pa kaya ang bituin ni Tetay ‘pag nasa GMA na?

Pagtitiyak ng Kapuso Primetime Queen, “Sisiguradohin ko na bingi na sila pag-uwi nila,” sabay tawa ni Mrs. Dantes sa presscon.

“Of course, hindi mawawala ang kanta. Sing along at higit sa lahat, hindi mawawala ang sayaw. Kaya abangan nila ang paghataw ko. ‘Yun talaga ang forte ko!” excited na kuwento ng magandang actress sa invited press people.

Sey ni Christian, isa sa mga judge ng The Clash, “It would be my greatest pleasure to welcome the holiday season with our kababayan in California. It’s never easy being away, especially when your loved ones are celebrating at home, and we’re all fired up to bring them a wonderful show with all-around entertainment and fun. It’s going to be amazing.”

READ MORE:  Kuh at Christian, ‘di religious concert ang gagawin sa Solaire

Para kay Julie Anne, “Performing and doing shows abroad is always exciting, but I’m thrilled for Kapusong Pinoy in Anaheim because the Christmas season is just magical and a very happy time. We’ve got everything for them, song and dance numbers, pasabog performances, comedy… it’s all coming together and we can’t wait for them to see it.”

Sabi ni Donita Nose, “Isang malaking karangalan po para sa amin ang maging part ng show na ito para makapaghatid ng saya sa ating mga kababayang nasa abroad.”

“Sana po magkita-kita po tayong lahat sa October 7 dahil wala kayong ibang gagawin kundi humalakhak, makikanta at makisaya,” hirit ni Tekla.

READ MORE:  Norte, Hangganan ng Kasaysayan at Dukit, pinaka-maraming nominasyon sa Gawad Urian

May sakit pala si Ai Ai kaya hindi siya nakadalo sa presscon ng “Kapusong Pinoy: Paskuhan At Kantawanan sa Anaheim,” pero sa isang panayam sinabi niyang paghahandaan niya nang bonggang-bongga ang mga pasabog niya sa show para pasayahin ang mga kababayan natin sa US.

“Sigurado akong mag-e-enjoy sila, at mararamdaman nila ‘yung totoong Paskong Pinoy,” ayon sa isa pang judge ng The Clash.

May ilang Filipino talents na makakasama sa show at sila ay sina Erwin Andaya, Sharon Rose Orosco, The Dancing Moms of LA, Clarishe Enaje, Haydee Angeline, and Michael Zuniga. To purchase tickets, go to www.AXS.com and search for “Kapusong Pinoy.”

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved