Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka, hugot movie ng taon
Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka, hugot movie  ng taon

Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka, hugot movie ng taon

MULA sa pagiging member ng Boy Banda (Dance Squad Singers) at  pagpasok sa Bahay ni Kuya and later on ay sa pag-arte sa telebisyon at pelikula, pinasok na rin ni Fifth Solomon ang pagdi­dire­he sa pelikula.

Ipa­lal­a­bas na sa Septem­ber 19 ang kauna-unahang pelikula ni Fifth, ang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga at Vin Abrenica kabituin sina Candy Pangilinan, Jayson Gainza, Loisa Andalio, Alora Sasam, Joj at Jai Agpangan, Ricci Chan, Juan Miguel Severo, Keiko Necesario, at Jerald Napoles.

READ MORE:  PhilPop, kompetisyon para sa mga songwriter; Top 12 finalists inihayag na!

Maituturing na Hugot movie ng taon ang NKNKK base na rin sa rami ng mga hugot lines sa trailer pa lang kaya naman tiyak maraming Pinoy ang makare-relate.

Ginagampanan ni Alex ang role ni Jaz na nag-fail d ang relationship at mas piniling mag-road trip kasama ng kanyang bestfriend na ginagampanan ni Jeraldpara makalimot.

READ MORE:  Sanya, ‘di pa rin handang makipagrelasyon

Tsika ni Fifth, “It’s about ‘yung uso ngayon, ‘yung mga hugot-hugot. Mga hugot siya about forgetting someone you truly love, kung nakalilimutan mo ba talaga ang totoong pag-ibig, ang first love, ganyan.

“Actually hugot ko siya sa buhay ko ha ha ha, kasi na broken hearted din ako before. Mayroon akong dating idine-date tapos ‘yung sobrang na-in-love ka tapos sobrang attached ka hindi mo alam kung makalilimutan mo pa ‘yung tao.

READ MORE:  Power ni Ai Ai sa box office, waley na raw (Mahinang lagay sa takilya ng Past Tense, isinisi sa aktres)

“’Yung konsepto namin parang kung mayroong klinika na naghuhugot ng puso para mahugot na rin ‘yung sakit at saka makalimutan mo lahat ng sakit, kung may ganoon ba papahugot mo ba ‘yung puso moParang ganoon,” pagtatapos ni Fifth.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved