Categories: Showbiz

Pinoy, ‘di totoong naghihirap (Sa pagkita ng The Hows of Us ng P400.7-M)

GAANO na nga ba kapobre ang buhay sa Pilipinas? Gaano karami kaya ang kumakain ngayon ng murang bigas na may bukbok dahil sa rekomendasyon ng Agriculture Secretary?

O ang dapat bang itanong ay: “Gaano kayaman na kaya ang mga Pinoy ngayon? Gaano kalaki ang budget nila para sa panonood ng sine?”

Kung naniniwala tayo sa mga report tungkol sa kita ng pelikulang Pinoy lately,  ‘di tamang isipin na kapobrehan ang namamayani sa bansa ngayon.

Sa ika-10 araw pa lang ng pagpapalabas ng The Hows of Us nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, kumita na ito ng P400.7-M, ayon sa Star Cinema. Record-breaker para sa tambalan noong mag-sweetheart in real life.

Ang Goyo: Batang Heneral ni Paulo Avelino ay kumita ng P11-M sa unang dalawang araw ng pagpapalabas nito na naka-overlap sa pangalawang linggo ng The Hows of Us, ayon sa TBA Studios/Globe Studios na nag-prodyus ng film bio ng bayaning si Gregorio del Pilar. 

Lumagpas din naman sa P100-M ang kinita ng Miss Granny nina Sarah Geronimo at James Reid, ayon sa Viva Films na nagprodyus ng Filipino adaptation na ‘yon ng isang Korean film.

At alam n’yo bang naka-P82.7-M din ang Crazy Rich Asians na may cameo appearance ng ating one-and-only Kris Aquino? ‘Yan ay ayon sa Warner Bros. Philippines na nag-release ng pelikula sa bansa.

Ang minimum na admission ticket sa commercial moviehouses natin ay P150. Sa buong bansa, kung papaniwalaan natin ang ulat ng film production companies, napakaraming Pinoy na kayang-kayang magbayad ng P150 bawat tiket. Pero sa isang pamilya, hindi lang naman isang miyembro ang nanonood. May teenagers na ‘di pa pinapayagang manood ng sine mag-isa, kaya sinasamahan sila ng isa sa mga magulang nila o isang elder sa family. Ibig sabihin, minimum ng P300 a week ang nagiging budget ng mga pamilya para sa panonood ng sine.

‘Yung kayang mga pamilyang bumili ng murang bigas na may bukbok, nakapanood din kaya sila isa man lang sa The Hows of Us, Miss Granny, at Goyo?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

COMMENTS
Danny Vibas

Share
Published by
Danny Vibas

Recent Posts

Polo Ravales, thankful sa bagong project sa BG Productions International

BALIK-BG Productions International si Polo Ravales. Isa siya sa tampok sa pelikulang may working title na Hipnotismo. Uumpisahan na ngayong…

23 hours ago

Coco, sobra-sobra ang respeto sa pulisya; dialogo kay Albayalde, hiniling

HUMINGI ng paumanhin kamakailan si Coco Martin kay Philippine National Police Director General Oscar Albayalde gayundin sa buong pulisya kung hindi naging maganda ang dating…

23 hours ago

Calvin at lola nito, gagawing endorser ni Vice ng kanyang Vice Cosmetics

ANIMO’y may rally o kampanya kahapon ng hapon sa Market Market dahil sa rami ng taong nag-abang sa pagdating ni Vice…

23 hours ago

Kris Aquino, kakasuhan ang abogadong kapatid ni Nicko Falcis

NAGLABAS ng statement si Kris Aquino sa pamamagitan ng kanyang mga abogado sa Divina Law bilang tugon sa mga ipinahayag ni Atty. Jesus Falcis sa media…

23 hours ago

Ilong ng motorista ‘umuusok’ sa konsumisyon vs Pasay City ASBU

ANO ba talaga ang papel ng Anti-Smoke Belching Unit (ASBU) ng Pasay City?! Sitahin ang mga lumalabag sa kanilang ordinansa…

24 hours ago

Comelec: Walang masama sa pagtakbo ni Alan at Lani sa Taguig

ANG Commission on Elections na mismo ang nagsabi na walang illegal o masama sa pagtakbo ni dating Foreign Affairs Secretary…

24 hours ago