Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kano nasakote sa Cainta (Canadian teacher inatado sa Taiwan)

Kano nasakote sa Cainta (Canadian teacher inatado sa Taiwan)

ARESTADO ang isang most wanted person sa Taiwan sa kasong pag-chop-chop sa isang Canadian teacher, makaraan salakayin ng mga tauhan ng Cainta PNP at Bureau of Im­migra­tion (BI) ang kanyang pinagtataguan sa Cainta, Rizal.

Kinilala ni S/Supt. Lou Evangelista, Rizal PNP provincial director, ang nadakip na si Oren Shlomo Mayer, nasa hustong gulang, ngayon ay nakapiit sa detention cell sa Bicutan, Taguig, City.

READ MORE:  Killer ng Ilocos councilor tiklo sa QCPD

Si Mayer ay pinagha­hanap ng mga awtoridad sa Taipei dahil sa pag­patay, pag-chop-chop sa labi at pagtatapon sa bangkay ng isang Canadian teacher.

Nadakip ang suspek sa Cainta, Rizal nang pinagsanib na puwersa ng BI Fugitive Search Unit at PNP.

READ MORE:  Bebot todas sa holdaper P.5-M tinangay

Nakatakdang i-de­port si Mayer para mai­harap sa paglilitis sa ka­song pagpatay sa bikti­mang si Sanhay Ryan Ramgahan noong 21 Agosto 2018.

Nabatid na si Mayer, nagtatago sa alyas na Oz Diamond, ay dumating sa Maynila noong 25 Agosto 2018, apat araw makaraang masangkot ang kanyang pangalan at ang dalawang iba pang suspek sa pagpatay kay Ramgahan sa Yonghe District sa Taipei.

READ MORE:  Barangay manguna laban sa karahasan sa kababaihan (Hamon ni Marcos)

Habang sinabi ni BI Intelligence Officer and FSU Chief Bobby Ra­quepo, si Mayer ay hini­hinala rin big time sup­plier ng marijuana sa Northern Taiwan at ang pagpatay sa biktima ay maaaring konektado sa ilegal na droga.

ni ED MORENO

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved