Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / JV tagilid kay Jinggoy
JV tagilid kay Jinggoy

JV tagilid kay Jinggoy

KUNG sabay na tatakbo sa Senado sina Jose Victor “JV” G. Ejercito at Jinggoy P. (Estrada) Ejercito, mukhang tatagilid ang  ‘bangka’ ng anak ni Ms. Guia Gomez.

Aba, hanggang ngayon, malakas pa rin ang karisma ni Jinggoy sa kanilang mga botante.

Sabi nga sa Senado ‘kyut’ daw si Jinggoy…kyut magpakyut.

Si JV daw ay hindi puwedeng magpakyut, kasi mapagkamalan siyang bondying.

Anyway, hindi naman physical appearance lang ang pinag-uusapan dito, dapat witty and talented rin magsalita ang mga politiko.

At mukhang nakalalamang si Jinggoy sa aspektong ‘yan.

READ MORE:  Ganti ni JPE

Ang siste, nagkasundo na yata sina Madam Guia at ang misis ni Jinggoy na ang anak na si Vice Mayor Janella Ejercito ang magmamana ng mayoralty seat sa San Juan.

Meaning, hindi sa San Juan tatakbo si JV. Mag-congressman kaya ulit si JV?! Parang hindi naman… dahil mukhang si Ma’m Guia ang tatakbo sa congressional seat ng San Juan.

Kaya kung wala nang ibang mapupuntahan si JV, wala na siyang magagawa kundi tapatan ang lakas ng karisma ni Jinggoy.

READ MORE:  Bagong BPLO chief sa Las Piñas City “papel de hapon” lang ba sa admin ni Mayor Nene Aguilar?!

‘Yun lang, tagilid na tagilid siya kay Jinggoy.

Kumbaga sa boksing walang kalatoy-latoy ang tapatan!

NAWAWALA
SI KOBE PARAS?

KUNG hindi tayo nagkakamali, binubuno ngayon ni Kobe ang kanyang one-year residency sa UP Fighting Maroons nang sa gayon ay maka­lahok sa iba’t ibang labanan ng liga ng basket­ball teams sa buong mundo.

Pero mukhang pinoproblema siya ng kanyang team mates… kasi nawawala si Kobe?!

Wattafak! Nawawala si Kobe?! Nasaan si Kobe?!

Kailan ba siya makikipaglaro at eensayo sa team mates niya sa UP Diliman?!

READ MORE:  No bail kay Taguba et al sa P6.4-B shipment ng shabu

Totoo bang habol lang ni Kobe na mag­ka­roon ng residency kahit hindi naman siya nakiki-mingle sa kanyang supposedly team mates?

Kumbaga, nagbibilang lang ng araw at panahon si Kobe matapos ang kanyang residency, after that siya na ang masusunod kung saan siya papasok.

Sabi nga: “It pays to be loyal.”

Komporme ka ba riyan, Kobe?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved