Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / JV tagilid kay Jinggoy
JV tagilid kay Jinggoy

JV tagilid kay Jinggoy

KUNG sabay na tatakbo sa Senado sina Jose Victor “JV” G. Ejercito at Jinggoy P. (Estrada) Ejercito, mukhang tatagilid ang  ‘bangka’ ng anak ni Ms. Guia Gomez.

Aba, hanggang ngayon, malakas pa rin ang karisma ni Jinggoy sa kanilang mga botante.

Sabi nga sa Senado ‘kyut’ daw si Jinggoy…kyut magpakyut.

Si JV daw ay hindi puwedeng magpakyut, kasi mapagkamalan siyang bondying.

READ MORE:  Sharon, nanindigan: Kiko, ‘di korap

Anyway, hindi naman physical appearance lang ang pinag-uusapan dito, dapat witty and talented rin magsalita ang mga politiko.

At mukhang nakalalamang si Jinggoy sa aspektong ‘yan.

Ang siste, nagkasundo na yata sina Madam Guia at ang misis ni Jinggoy na ang anak na si Vice Mayor Janella Ejercito ang magmamana ng mayoralty seat sa San Juan.

READ MORE:  Paglaya ni Bong Revilla, inaabangan na

Meaning, hindi sa San Juan tatakbo si JV. Mag-congressman kaya ulit si JV?! Parang hindi naman… dahil mukhang si Ma’m Guia ang tatakbo sa congressional seat ng San Juan.

Kaya kung wala nang ibang mapupuntahan si JV, wala na siyang magagawa kundi tapatan ang lakas ng karisma ni Jinggoy.

READ MORE:  Mr. Danny Almeda affected at may sleepless nights sa Bulabugin?!

‘Yun lang, tagilid na tagilid siya kay Jinggoy.

Kumbaga sa boksing walang kalatoy-latoy ang tapatan!


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com


BULABUGIN
ni Jerry Yap


Nawawala si Kobe Paras?
Nawawala si Kobe Paras?
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved