Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sa laging pagiging totoo sa sarili!: Marian Rivera kinuha ng Bayer para maging bagong product ambassador
Sa laging pagiging totoo sa sarili!: Marian Rivera kinuha ng Bayer para maging bagong product ambassador

Sa laging pagiging totoo sa sarili!: Marian Rivera kinuha ng Bayer para maging bagong product ambassador

LAST September 6, pormal nang ipinakilala ng Bayer si Marian Rivera bilang bagong ambas­sador o endorser ng produkto nilang Canesten na ilang dekada na sa merkado. At ang malaking factor kung bakit si Ma­rian, ang napili ng mga taga-Bayer, bukod kasi sa very effective na endorser ang sikat na Kapuso actress/host ay totoo siya sa kanyang sarili. Ang ibig nilang sa­bihin, ginagamit tala­ga ni Marian ang lahat ng mga product na kanyang ipino-promote.

READ MORE:  Karylle, gandang-ganda kay Marian

Yes sa nasa­bing presscon ay sinabi ni Yan Yan sa harapan ng ilang mga close na report­er na always siyang may bitbit na Clo­trimazole (Canes­ten) cream sa shooting sa movie at mga taping niya sa teleserye o TVC. Proteksiyon daw kasi niya ito laban sa gamot at ayaw niyang mabiktima ng sakit na dengue. Pero hindi naman daw siya uma­bot na magka­roon ng fungal infection tulad ng buni. ‘Yung mga kaibigan daw niyang nasa showbiz at outside show­biz ay inirere­komenda niya ang Canesten na mabisang ga­mot sa mga  Bu­ni, An-An, Had­had, and Alipunga.

READ MORE:  Patricia, nakiusap: ninakaw na kwintas, handang bilhin

“Hindi ako nahihiyang ipakita ‘yung totoong ako sa mga tao lalo sa fans ko. Noon pa man, noong nag-uumpisa palang ako sa showbiz, people saw the real me and maybe kaya ganoon na lang ang pag-embrace nila sa akin,” sey pa ni Marian sa kanyang press conference na ginanap sa Bonifacio Hall ng Shangri-la The Fort.

READ MORE:  Estorika Maynila ni Ronnie, kasali sa HK Filmfest

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma


Goal para sa promosyon ng Filipinas: DOT Secretary Berna Romulo-Puyat, malinis na pamamalakad at lalong pag-unlad ng turismo sa bansa isusulong
Goal para sa promosyon ng Filipinas: DOT Secretary Berna Romulo-Puyat, malinis na pamamalakad at lalong pag-unlad ng turismo 
COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved