Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Nagsimba muna at humingi ng tawad: Waiter nangholdap sa milk tea shop

Nagsimba muna at humingi ng tawad: Waiter nangholdap sa milk tea shop

NADAKIP ang isang waiter makaraan holdapin ang isang milk tea shop sa Sampaloc, Maynila, nitong Miyerkoles.
Ayon sa suspek bago nangholdap ay nagsimba muna siya sa Quiapo Church at humingi ng tawad sa kaniyang gaga-wing kasalanan.
“Sabi ko, Lord kayo na po bahala sa akin kasi wala na po ako malalapitan,” aniya.
Gamit ang laruang baril ng anak, pinasok ng suspek ang isang milk tea shop at tinutukan ang cashier. Tinangay niya ang higit P33,000 at umalis agad sa establisi-miyento.
Agad nakahingi ng tulong ang cashier na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at nabawi ang perang tinangay.
Depensa ng suspek, nagawa niya ito dahil sa kahirapan, at maysakit ang kaniyang 4-anyos anak. Ayon kay Supt. Andrew Aguirre, station commander ng Manila Police District (MPD) Station 4, wala pang criminal record ang suspek.
“Wala pa siyang kaso. Talagang baguhan. May pangangailangan sa buhay kaya nagawa iyong panghoholdap,” aniya. Taga-Caloocan ang suspek na nagtatrabaho bilang part-time waiter. Mahaharap siya sa kasong robbery.
COMMENTS

About Hataw News Team

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved