Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tyrone Oneza pinagkaguluhan ng Tyronenatics sa Tagaytay (Sa kanyang fans day)

Tyrone Oneza pinagkaguluhan ng Tyronenatics sa Tagaytay (Sa kanyang fans day)

SA kanyang two-week vacation dito sa Filipinas ay sinulit na ng “Idol ng Masa” na si Tyrone Oneza ang pagbibigay kasiyahan sa lahat ng kanyang Tryonenatics.

Una ay umattend muna si Tyrone sa taunang Feeding Program ng kaibigan niyang si Diego Llorico ng Bubble Gang sa Queen Row, Molino, Bacoor, Cavite at talagang pinagkaguluhan siya ng kanyang mga tagahanga sa nasabing lugar.

Mala-Coco Martin ang dating ni Tyrone sa kanyang fans day sa Tagaytay dahil sa dami ng fans na nag-abang talaga sa kalsada at naghintay nang pagdating ng sasakyan ng kanilang idol.

Pagbaba ng van ni Tyrone, hayun dinumog na siya nang hindi magkamayaw na fans at lahat ay pinagbibigyan niya ng photo op.

May inihandang programa ang Tyronenatics sa nasabing fans day na ini-organized ng confidant dito ni Tyrone sa Filipinas na si Sayaka Rayos. Si Sayaka  ang pinagkakatiwalaan at pinamamahala niya sa kanyang Tyrone Oneza Scholarship Program (TOSP) na ngayong taon ay mas maraming pinag-aaral.

Ilan pa sa mga binisita ni Tyrone ang Sapaan Elementary School sa Atimonan, Quezon na nabulabog ang mga guro at estudyante. Naging memorable ang trip ng Balladeer ng Masa sa Davao at Cebu nang dumalo sila ng kaniyang grupo sa wedding nina Moises Kim Soriano 111 at Hana Mirae.

Hindi rin niya pinalampas ang makapagsimba sila ng mga kasama sa pamoso at dinarayong simbahan sa Cebu na Simala Lindoyog at kaagad na dumiretso sa lugar na kinalakhan na Barrio Tabon sa Talim Island.

At bago nagpahinga para sa flight niya pabalik sa Barcelona Spain ngayong Biyernes, buong araw nitong Miyerkoles ay nag-ikot pa si Tyrone at first stop niya ang tahanan ng kanyang publicist-friend na si Abe Paulite at ang pamilya nito.

Sinorpresa namin ni Ms. Anne “Ganda” Venancio ang singer na nang makita kami ay agad kaming niyakap. Sarap na sarap si Tyrone sa nilutong laing na bikol ni kaibigang Abe at iba pang handa nito.

Dito ay napag-usapan ang magandang proyekto ni Tyrone na regalo niya sa kanyang fans and supporters. Isa itong charity and entertainment show na gagawin sa iba’t ibang mall. Matapos ang masayang chikahan ay dumiretso si Tyrone at sina Sayaka at ilang kasama sa Tagaytay para dumalo sa isa pang fans day na sabik makita si Tyrone.

Isa ang Tagaytay sa fan base ng singer sa likod ng mga awiting Dito Sa‘king Piling, Hanggang Ngayo’y Ikaw, Nag-iisa Ako, Maghihintay Sa ‘Yo at iba pa. Ilan

pala sa mga regalong pasalubong ni Tyrone sa kanyang diehard Tyronatics at Tyronenatics family ay 20 pcs ng brand new Laptop, cellphones, chocolates and cash.

Tunay ngang Good Samaritan o pilantropo ang nasabing singer-businessman na owner ng kilalang cocktail bar sa Barcelona na dinarayo ng maraming customers.

Internet radio personality, musician Liza Javier, masaya sa kanyang “Mrs Gawad Amerika” award

Mula Amerika ay nakabalik na sa Osaka Japan, ang Mrs. Gawad Amerika awardee na si Liza Javier at bitbit nito ang magandang balita sa bagong experience during the awarding ceremony of 17th Annual Gawad Amerika Awards held at Celebrity Centre International Pavillion Hollywood, California.

Ilan daw sa mga nakita ni Ms. Liza ay partner ni Presidente Rodrigo Duterte na si Honeylet Duterte, ang controversial na PAO chief, Atty. Persida Acosta, at GMA7 showbiz correspondent na si Tito Lhar Santiago. May ilang Pinoy celebrities daw ang hindi nakasipot sa awards night dahil sa mga importanteng commitment nila sa bansa.

Most memorable daw para sa popular na radio personality-musician ay noong dumalo siya at nakasalamuha ang international singer na David Pomeranz at dalawa sa OPM Icons na sina Jose Mari Chan at Jam Morales.

“Everytime I attend the awarding ng Gawad Amerika I feel so excited, friendship (tawag ni Liza sa inyong columnist) kasi aside sa tatanggap uli ako ng parangal ay marami akong nakikilala sa venue and I’m lucky at nagiging friends ko sila. Siguro ipinanganak na talaga akong Miss Friendship hahaha,” sey ni Liza, na aming naka-chat last Friday.

Sa kanilang anniversary Bhoy Navarette’s salon 50 percent off

Kagagaling lang ni Bhoy Navarette sa Hong Kong para sa bakasyon kasama ang ilang kaibigang pari. At ngayong nasa Filipinas ay back to work ang bago naming amiga lalo’t nagse-celebrate sila ng kanilang anniversary sa kanyang pag-aaring Hair Salon, located sa Aurora Blvd., at nasa tapat lang ng Robinson’s Magnolia.

Kung hindi kami nagkakamali ay mahigit 30 years na ang nasabing salon ni Bhoy. At bilang pasasalamat ng famous beauty expert (Navarette) sa lahat ng customers nila, noon at ngayon na walang sawang tumatangkilik sa kanyang parlor, hayun may pakulo itong 50% off sa lahat ng kanilang services na nagsimula last September 3 hanggang sa September 12 (puwede pang mag-extend).

At touched si Bhoy, dahil katapusan pa lang ng Agosto ay marami na ang nag-avail ng kanilang special big promo at majority ay mga rich huh. Para sa mga gustong humabol sa nasabing 50% off, maaari kayong tumawag sa mga numerong ito, 584-6016 at 721-4036.

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved