Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P12-M smuggled onions nasabat sa Manila Port

P12-M smuggled onions nasabat sa Manila Port

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang P12 milyon halaga ng smuggled onions mula sa China sa Manila International Container Port (MICP), ayon sa ulat ng ahensiya nitong Huwebes.
Ang kontrabando ay natagpuan sa gitna ng tumataas na presyo ng mga gulay, kabilang ang sibuyas at iba pa.
Nakatago sa anim containers, ang mga sibuyas na misdeklarado bilang mga mansanas, ay dumating sa Manila port noong 14 Agosto, ayon sa BoC.
Sinabi ng BoC, ang kargamento na naka-consigne sa ASD Total Packages Enterprises Inc., ay nagtataglay ng dalawang layers ng apple cartons sa harap ngunit nasa loob ang mga sibuyas.
“I have already ordered for the revocation of the accreditation of the consignee and the customs broker involved,” ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña. Ang may-ari ng kompanya at ang customs broker na Michael Miranda Sumile, na nagproseso sa shipment, ay haharap sa kasong smuggling, ayon sa BoC.
COMMENTS
READ MORE:  Photog na nagpalipad ng drone kakasuhan

About Hataw News Team

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved