Categories: Showbiz

FDCP at Intramuros admin, nagsanib para sa #WeAreIntramuros Film Challenge

Share
KATUWA ang mga ginagawang aktibidades ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamumuno ng chairman nitong si Liza Diño-Seguerra. Ang pinakabago ay ang #WeAreIntramuros Film Challenge, isang 24-hour filmmaking challenge na naka-focus sa cultural awareness ng Filipino values.
Ayon kay Diño nang makausap namin sa paglulunsad ng proyektong ito sa Cinematheque Centre Manila, ”It’s a film festival na hosted and organized by Intramuros administration to promote Intramuros as a film industry nation and para maengganyo rin ang mga film makers natin na makita ang Intramuros as a location sight for different kind of films.
“May partnership kasi kami ngayon with Intramuros administration to promote Intramuros internationally sa mga film markets. Dahil may mga incentive silang ibinibigay sa lahat ng mga facilities, permits, licenses.”
Dinaluhan din ang nasabing paglulunsad ng proyekto ni Intramuros Administrator Atty. Guiller Asido.
“What the better way to promote to really have a filmmaking challenge. Isa sa challenge namin is gagawa sila for 24 hours, naka-engage ‘yung mga students and aspiring filmmakers, gagawa sila ng iba’t ibang genre films. Paano ka gagawa ng horror films sa Intramuros? Anong lugar doon na parang mukhang horror? Anong parts naman ang rom-com.
“Genre, meaning ito kasi ang palatable sa international market eh. ‘Pag sinabi mong genre familiar sa kanila ang comedy, drama, action. So paano ka gagawa ng action film. So iyon ang part ng challenge.
“Short film ito na para siyang amazing race kasi may mga clues sila mabibigyan sila ng iba’t ibang tools kapag nasagot nila ‘yung clue. Mabibigyan sila ng camera at kung ano-ano pang gamit sa paggawa ng pelikula. Para matulungan sa pag-shoot nila.”
Idinagdag pa ni Diño na, ”It’s a new device to engage the filmmakers. Ang output naman ito ay hindi tayo mag-e-expect ng sobrang professional and everything, it’s really to engage ‘yung mga filmmakers natin to push para makita nila ang ganda ng Intramuros.”
First time ginawa ang #WeAreIntramuros Film Challenge na para makasali ay kailangang Filipino citizen o Philippine passport holder, estudyante ng anumang educational institution sa Metro Manila. Ang production crew ay kinakailangang binubuo ng apat na miyembro at ang deadline ng submission ay sa Setyembre 20, 2018.
Ang mga finalist ay mabibigyan ng P20,000 kapag naitanghal bilang Best Film kasama ang trophy at certificate; Jury’s Choice Award na may P15,000 cash, trophy, at certificate; People’s Choice Award na may P10,000 cash, trophy at certificate; at consolation prize na P5,000 para saw along production teams, at Special Award.
COMMENTS
Maricris Valdez Nicasio

Published by
Maricris Valdez Nicasio

Recent Posts

Catriona Gray, nilait dahil sa kanyang national costume sa Miss Universe

MARAMI ang pumuri sa national costume ni Catriona Gray sa 67th Miss Universe pageant. Harley’s Facebook post last December 10,… Read More

18 hours ago

KC Concepcion, nagkapatawaran na raw sila ni Piolo Pascual

KC Concepcion was quick to say in an interview that she and ex-boyfriend Piolo Pascual are now the best of… Read More

18 hours ago

Tatlong milyong pamasko mula kay Sen. Manny Pacquiao

“Crazy scene” ang tawag ng ilang taong nakasaksi sa napakahabang pila ng mga kasam­bahay, driver, at security guards na nagpunta… Read More

18 hours ago

Direk Eric, genuine actors ang tingin kina Kim, JC at Dennis

ANO nga ba naman ang nerbiyos kung para rin naman sa makikitang husay mo sa pagganap ang pag-uusapan. Ang tiningnan… Read More

18 hours ago

Echo, ‘di umaasang maiuuwi ang tropeo sa MMFF awards night

SA The Girl in the Orange Dress naman of direk Jay Abello na ipinrodyus ng Quantum Films ni Josabeth Alonzo, Star Cinema at MJM Productions, kakaibang lovestory naman sa dalawang hindi… Read More

19 hours ago

Male starlet, balik sa dating ‘gawi’

NANG mawala na ang raket ng isang male starlet sa isang probinsiya, balik siya ng Metro Manila at nagsimula na… Read More

19 hours ago