Categories: Showbiz

Chloe Sy ng Belladonnas, type ‘makalampungan’ si Piolo Pascual

OKAY lang kay Chloe Sy na magpa-sexy sa pelikula basta kailangan sa istorya. “Opo, game naman po akong magpa-sexy sa pelikula. Kasi dream ko po talaga ang maging artista, kaya determinado po talaga ako,” saad niya.
Si Chloe ay isa sa member ng fast rising all-female group na Belladonnas. Ang iba  pang kasama niya rito ay sina Quinn Carillo, Rie Cervantes, Xie Fabricante, Jazzy Dimalanta, Phoebe Loseriaga, at Tin Bermas.
Hanggang saan ang limitations niya sa pagpapa-sexy? “Depende po sa mapag-uusapan, two piece, love scene… kaya ko naman po. Bale, part lang naman po kasi ‘yun ng trabaho,” anang 18 year old na dalaga.
Si John Lloyd Cruz daw ang pinakaseksing aktor para sa kanya, pero ang dream niyang maka-love scene kung sakali ay si Papa P.
“Si Piolo Pascual po! Hahaha!” Pabungisngis na sagot ni Chloe. “Crush ko po kasi si Papa P e, at tingin ko’y siya ang actor na pinaka-yummy talaga. Iyong tipo ni Piolo ay ‘yung makalaglag panty po talaga, e,” nakangiting saad ni Chloe.
Very soon ay mapapanood si Chloe at ang Belladonnas sa pelikulang ‘Kodep’ na pinamahalaan ni Direk Neal Tan. Ito ay prodyus ng 3:16 Productions ni Ms. Len Carillo at kasama rin sa pelikula ang Clique V.
COMMENTS
Nonie Nicasio

Share
Published by
Nonie Nicasio

Recent Posts

Wala sa poder namin ang magpatigil dahil lang sa ‘di magandang pagsasalarawan sa mga pulis — MTRCB Chair Arenas

IGINIIT kahapon ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Rachel Arenas na wala sa poder nila ang…

14 hours ago

Gina, tiwala kay Coco na makakayanan ang kinakaharap na isyu ng Ang Probinsyano

MAINIT na pinag-uusapan ang aksiyong-seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil hindi nagustuhan ng Philippine National Police Director General Oscar Albayalde ang…

14 hours ago

Hintayan ng Langit, binili ng Globe Studios

Isa kami sa natuwa nang bilhin ng Globe Studios ang pelikulang Hintayan ng Langit na mapapanood na sa Miyerkoles, Nobyembre…

14 hours ago

Ronnie Liang, matatag pa rin sa loob ng 12 taon (Excited na sa collaboration nila ni Sarah)

HALIMAW kung ilarawan ni Ronnie Liang si Sarah Geronimo. Isa si Ronnie sa madalas kasama ni Sarah sa mga concert…

14 hours ago

Hintayan ng Langit nina Eddie at Gina, mapapanood na nationwide

NAGING usap-usapan at trending sa social media ang kakaibang konsepto ng Hintayan ng Langit na pinagbibidahan nina Eddie Garcia at…

14 hours ago

Fall for Fashion, fashion show for a cause

INAANYAYAHAN ng Young Moda Fashion Collezione ang publiko sa gagawin nilang fashion show for a cause. Ito ay ang Fall…

14 hours ago