Categories: Sports

Romeo, Wright, pinagmulta ng PBA

Share

PINATAWAN ng malaking multa sina Terrence Romeo ng Talk ‘N Text at Akeem Wright ng Columbian Dyip mula sa Philippine Basketball Association (PBA) kasunod ng kanilang hindi katanggap-tanggap na asal at kilos noong nakaraang linggo sa 2018 Governors’ Cup.

Kabuuang P22,600 multa ang ipinataw kay Romeo matapos ang rebyu ng naging gitgitan nila ni RaShawn McCar­thy noong Linggo ng gabi sa Smart-Araneta Coli­seum.

Nirebyu ng PBA ang natu­rang pangyayari at ginawang flagrant foul penalty 2 ang technical foul na naunang itinawag kay Romeo bunsod ng kanyang pag-ulo kay McCarthy sa kalagitnaan ng kanilang sagutan sa timeout ng naturang laban na pinagwagihan ng TNT, 118-114.

Awtomatikong P20,000 ang multa ng flagrant penalty 2 at nadagdagan pa ito ng P2,600 bunsod ng second motion at taunting ni Romeo sa sumunod na possession.

Matapos umiskor ng lay-up para sa 117-114 lamang ng TNT sa huling 57 segundo ay sini­giwan ni Romeo si McCarthy sa mukha na siyang lalong nagpainit sa kanilang hidwaan sa loob ng court.

Sa kabutihang pakad, nagkaayos agad ang dalawa at inilinaw na resulta iyon ng magandang laban at mainit na kompetisyon.

Maging ang import ng Dyip na si Wright ay napatawan din ng P20,000 multa ng PBA bunsod ng flagrant foul penalty 2 kay Aljon Mariano ng Barangay Ginebra sa laban nila noong nakaraang Biyernes na pinagwagihan din ng Ginebra, 96-84.

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS
John Bryan Ulanday

Published by
John Bryan Ulanday

Recent Posts

Catriona Gray, nilait dahil sa kanyang national costume sa Miss Universe

MARAMI ang pumuri sa national costume ni Catriona Gray sa 67th Miss Universe pageant. Harley’s Facebook post last December 10,… Read More

6 hours ago

KC Concepcion, nagkapatawaran na raw sila ni Piolo Pascual

KC Concepcion was quick to say in an interview that she and ex-boyfriend Piolo Pascual are now the best of… Read More

7 hours ago

Tatlong milyong pamasko mula kay Sen. Manny Pacquiao

“Crazy scene” ang tawag ng ilang taong nakasaksi sa napakahabang pila ng mga kasam­bahay, driver, at security guards na nagpunta… Read More

7 hours ago

Direk Eric, genuine actors ang tingin kina Kim, JC at Dennis

ANO nga ba naman ang nerbiyos kung para rin naman sa makikitang husay mo sa pagganap ang pag-uusapan. Ang tiningnan… Read More

7 hours ago

Echo, ‘di umaasang maiuuwi ang tropeo sa MMFF awards night

SA The Girl in the Orange Dress naman of direk Jay Abello na ipinrodyus ng Quantum Films ni Josabeth Alonzo, Star Cinema at MJM Productions, kakaibang lovestory naman sa dalawang hindi… Read More

7 hours ago

Male starlet, balik sa dating ‘gawi’

NANG mawala na ang raket ng isang male starlet sa isang probinsiya, balik siya ng Metro Manila at nagsimula na… Read More

7 hours ago